NANGINGINIG ang kamay ko habang hawak ang papel. Tinulungan na ako ni Geoffrey tsaka lang ako natauhan. Hindi ako makahinga habang binabasa ang hindi pamilyar sa aking pangalan. Stephen L. David “G-geff, nasaan ang personal details nito?” Ipinakita ko ‘yong hawak kong printed picture at may pangalan lang sa baba. “Nasa computer ko. Bakit?” sabi niya habang inaayos sa folder ang iba pang pictures ng pasyente niya. "Is there something wrong?" "Kailangan kong makita. Please, I need his info!" natataranta kong sabi. Naguguluhan man ay sinunod ako ni Geff. Kabisado ko ang mata niya. Hindi ako p'wedeng magkamali. May natira pang maayos sa mukha niya pero alam kong si Samuel 'to! Mula sa ilong hanggang sa baba ang nasunog. "Ito," sabi ni Geff at tumayo sa tabi ko. Napaawang ang bibig k