PANAY ang usog ko tuwing lalapit si Deniz. Ito nga ang iniiwasan ko. Ang confrontation tapos tabi pa siya ng tabi sa akin. "I'm free until next week, Friday. I'll take care of you. Papasok na rin naman si Alexia." Napatingin ako sa kanya. Bakit pakiramdam ko wala akong karapatang tumanggi. Ibinuka ko ang bibig para magsalita. Bumaling siya sa akin kaya naitikom ko ang bibig. Wala nang nasabi. "You can't tell me to leave. Hindi ka pa magaling. Sinong tutulong sa'yo kapag may hindi ka kayang gawin," aniya at inunahan na ako. "I'll call someone to help me. I'll pay, Deniz. I think we should not see each other in the meantime. Para makalimutan mo ko. Ibuhos mo sa iba ang atensyon mo kasi hindi ko masusuklian ang binibigay mong atensyon para sa akin." Gusto kong palakpakan ang sarili dahil