NAKATANGGAP ulit ako ng bulaklak at regalo sa hindi ko kilalang tao. Same initials. Kahit na nasa hospital ako ay pinadalhan pa rin ako dahilan para manggalaiti si Deniz at aniya ipapahanap niya kung sino iyon para ipatumba. "Ang lakas ng loob niya!" Iyon ang bukambibig niya. "Tumigil ka na nga. Wala ka rin namang pag-asa. Ayoko ng boyfriend, okay?" Umirap ako sa kawalan. Nakahiga pa rin ako. Nahihirapan akong umupo at napaiyak ako sa sakit ng balakang ko kaya kahit takot pumayag na kong magpa-opera bukas. Para matapos na ang paghihirap ko. "I'm not asking for your answer, right now," aniya. Hindi pa rin nawawala ang pag-asa na balang-araw ay sasagutin ko siya. "Deniz, hindi magbabago ang isip ko. Ngayon man 'yan o bukas. Hindi ako interesado." "I'll go buy some snacks," sabi ni Den