HINDI ako dinapunan ng antok dahil sa mga sinabi ni Deniz at hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin kay Alexia! Panay ang ngiwi at iling ko kapag naiisip kong may gusto siya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi maproseso ng utak ko 'yong mga sinabi niya. Paanong nangyari 'yon. All this time, akala ko ang tingin niya sa akin ay parang kapatid lang. The way he treats me is not different the way he treats Alexia. Kaya paano ko maiisip na may malisya pala? Napasabunot ako sa ulo ko. Bigla na ang pag-flashback iyong mga ginawa namin ni Deniz! Namilog ang mga mata ko! "Can you cook for me?" Deniz asked. Pumunta na naman siya sa unit ko para mangulo. "As if I have a choice. Magluluto naman talaga ako kasi tanghalian na." Umismid ako. Humalakhak siya at inakbayan ako. Napangisi ako at tin