In-enroll na rin namin ang kambal sa bago nilang school nang muling magbukas ang pasukan. Hindi pa nila halos natapos ang nakaraang school year pero ginawan ng Daddy nila ng paraan para makahabol sila. Nakakabawi na rin ang company nila Russel. Masasabi kong magaling din talaga siya sa negosyo. At proud ako sa kaniya. Pinagsasabay niya ang malaking responsibilidad niya sa kumpanya nila at responsibilidad din sa pamilya namin. Unti-unti ay nakikita ko nang muli ang Russel na nakilala at minahal ko noon sa isla. Nakangiti kong nilingon ang mga anak ko sa backseat. Unang araw ng klase nila at hinatid namin ni Russel. Excited sila sa bago nilang school. "Magpakabait kayo." bilin ko na sabay naman nilang tinanguan. "If you two need anything just go to your yaya, okay?" si Russel naman na si