"Daddy!" Napalingon ako sa mga anak ko nang narinig ang tawag nila. Nakita ko rin na naroon na si Russel habang nagbabayad ako sa cashier. Napangiti nalang ako. Binuhat ni Russel si Princess at hinawakan sa isang kamay si Prince at palapit na sila sa akin. "Dito nalang tayo kumain?" salubong ni Russel at hinalikan ako sa pisngi. Nakita kong nakangiti sa amin ang babaeng cashier. Medyo nahiya pa ako. "Ah, oo, nagyayaya rin ang mga bata doon sa favorite nilang fast food." sabi ko. Tumango si Russel at hinintay nila ako. Pagkatapos ay pumunta na kami sa kainan. Excited na pumasok doon ang kambal at nakipag-high five pa sa mascot si Prince. Napangiti lang kami ni Russel na nakahawak sa baywang ko habang nakasunod lang kami sa mga bata. Pagkatapos kumain ay naglibot pa kami sa mall. Na