OLIVIA PAULINE NASAAN na nga ba si Tyler? At saan ako dadalhin ng mga taong ito? Labis ang aking kaba dahil sa posibilidad na itakas ako ng mga taong ito at dalhin ako kung saan. Hindi ko alam kung ano ang balak nila sa akin basta't ang tangi ko lang nararamdaman ay ang pagiging unsafe sa mga mangyayari. Baka saktan nila ako. Baka patayin nila ako. Baka ilayo nila ako kay Tyler. Nasaan na nga ba siya? "Saan ninyo ako dadalhin? Huwag niyo akong sasaktan," sabi ko pa habang nakatingin sila sa akin. Biglang tinanggal ng isang lalaki ang pagkakakabit sa akin ng dextrose at dahil dito ay naunawaan ko na nga na balak talaga nila akong itakas. "Parang awa niyo na, huwag ninyo akong sasaktan. Pakiusap!" Naiiyak ko nang wika sa kanila. Ngunit tila ba wala silang naririnig. Hinawakan ng isa

