OLIVIA PAULINE NAKARATING kami sa bahay kung saan ako nawalan ng malay matapos kong mahulog sa hagdanan. Pagod at nanghihina pa rin ako nang makarating na kami. Bumaba ako at maging siya ay bumaba na rin sa motor. Wala siyang kinbong kumilos at binuhat ako saka naglakad papasok ng bahay. Agad naman akong napapikit at ihinilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. After everything that happened today, here I am, in his protective and comfortable arms again. Hanggang sa maramdaman ko na lang na inilapag niya ang katawan ko sa malambot na kama. Doon ako nagmulat ng aking mga mata. Nakita ko siyang nakatayo mula sa gilid ng kama at nakapamewang na nakatingin lang sa akin. "Tyler, I feel so tired." Mahina kong wika saka ako bumaluktot ng aking higa. Nangilid ang butil ng luha sa aking mga ma

