"Napaka-imposible nito Jeff! Alangan na habambuhay tayong hindi matutulog! Isipin niyo hah! Matulog man tayo o hindi eh mamatay pa rin tayo!" ani Leah. Nasa terrace sila ng bahay nina Ana. Napagkasunduan kasi ng pamilya ng dalawang namatay nilang pinsan na pagsamahin ang burol nina Ana at Belen para isahan na ang punta ng mga kamag-anak nila. "Tama si Leah.." si Jules, nakapamulsa itong nakatayo, nakasandal ito sa sementong pader at kalmado na kahit paano. "Bakit ba kasi nangyayari sa atin 'to? Ano bang kasalanan natin at ginagantihan tayo sa panaginip?! Bakit pinapatay tayo ng lintik na bangungot!?" takot at galit ang nararamdamang sabi naman ni Lyn, yakap nito ang dalawang tuhod na nakaupo, katabi si Leah. Bangungot?! Nausal ng lahat. Awtomatiko na umandar ang kanilang isipan at mga