Agad naglabasan ang apat na magpipinsan sa kotse nang tumigil ito sa harapan ng bahay ni Nana Gwada. Wala silang sinayang na mga sandali. "Tao po! Tao po! Nanay Gwada!" salitan nilang tawag sa matanda, ngunit tahimik ang buong bahay, pati ang paligid. Ayaw naman nilang pumasok basta-basta. "Sino kayo?" boses ng babae mula sa likuran ng bahay kubo. May dala itong bayong na may mga prutas. "Magandang umaga po, hinahanap po namin si Nana Gwada. And'yan po ba siya?" magalang na tanongi ni Jules. "Bakit?" seryoso ang mukha ng babae. Tumingin sa mga pinsan niya si Jules bago sumagot "Kailangan po kasi namin siya, pwede po ba namin siyang makausap?" Matagal na hindi umimik ang babae. Pinasadahan sila ng tingin "Sige pumasook tayo sa loob" pero salamat dahil pagkuwa'y sabi nito. Sabay-sabay