[Miyukie's P.O.V] Kakaiba ang umagang ito dahil unang-una hindi ako pinahirapan na gisingin si John Axle para mag handa sa pagpasok sa school. Nang pumunta siya sa kusina upang kumain tinanong niya si Aling Ludy, mas maaga kasing nag-aalmusal ang mag-anak kaysa sa'min. Madalas ko lang nakakasabay sa pagkain ng almusal si John Axle dahil late na siya nagigising pero ngayon sumabay siya sa pagkain ng almusal sa pamilya niya at maaga siyang pumasok sa eskwela. Ilang araw ko na rin na hindi nakakasabay sa pag-uwi ng hapon si John Axle at umuuwi na ito ng gabi. Gusto ko sanang magtanong kaya lang baka barahin lang ako may toyo pa naman siya palagi. "Ate Miyukie!" Pataray na tawag sa'kin ni Fritzie. Nakasandal siya sa may pintuan ng dinning room at nakacross-arm. "Yes po, senyorita." Kahi