[John Axle's P.O.V] Nilalaro ko ang ballpen na hawak ko habang hinihintay kong bumalik si Miyukie galing comfort room. Pauwi na kami sa bahay dahil tapos na ang buong araw namin sa eskwela. Nakaupo ako sa desk ko kung saan iilan na lang ang mga estudyante doon nang bigla akong tawagin ni Gerald. Bitbit niya ang bag niya at nakapamulsa siya sa pantalon niya. Seryoso ang mukha niyang lumapit sa'kin. "John Axle!" Tiningnan ko lang siya at hindi ako nagsalita sa kanya. Simula noong nagkaroon kami ng alitan dalawa hindi na naging maganda ang pakikitungon namin sa isa't-isa madalas kaming nagkakaroon ng pagtatalo talo tuwing may klase kami madalas ang pagtatalo namin sa bawat topic at madalas naming kinokontra ang bawat isa. Tumayo siya sa harapan ko. "About Miyukie." Umayos ako ng pagkakau