[Miyukie's P.O.V.] TILAOK ng manok ang nag pagising sa'kin ngayong umaga nang silipin ko si John Axle wala na siya sa tabi ko. Kung kaya't bumangon ako upang hanapin siya. Paglabas ko ng kwarto ko nakita ko si John Axle na nagluluto ng almusal. "Good morning." Nakangiting bati niya sa akin. "Good morning, bakit ka nagluluto ng almusal? Bisita kita rito." "Hindi ako bisita future husband mo ako." Sabay kindat niya sa'kin. Siyempre kinilig ako kindatan ka ba naman ng gwapong lalaking ito yung iba ngang mga babae halos himatayin sa kilig ako pa kaya. "Kinikilig ka naman?" Pangiti-ngiti pa siya sa'kin. Lumapit ako at umupo sa harap ng lamesa. "Alam mo gutom lang 'yan." Sabi ko. "Nakatulog ka ba ng mahimbing Granny?" Tanong niya sa'kin habang nakatalikod siya sa'kin at nagluluto. "Siye