[Miyukie's P.O.V.] “Miyukie, ako ng bahala sa kapatid mo umuwi ka na at magpahinga.” Ani Tita Selena. Nasa loob kami ng patient room ng isang pampublikong ospital dito sa’ming probinsiya. Nakaratay si Hubert ang kapatid ko dahil ilang araw na siyang nagsusuka at nagtatae kaya naman dinala ni Tita Selena sa hospital dahil baka ma-dehydrate siya. Nang tumawag sa’kin si Tita Selena. Hindi ako mapalagay sa kalagayan ng kapatid ko kaya naman kahit madaling araw na inistorbo ko ang panganay na anak ng amo ko na si Sir John Ace. Sa kanya lang kasi ako pwedeng magpaalam na uuwi ng probinsiya dahil wala ang mga amo ko. Mabuti na lang at naintindihan ako ni Sir John Ace. Hinatid na rin niya ako pauwi mas napadali tuloy ang pag-uwi ko. Pinagmasdan ko ang kapatid kong mahimbing na natutulog. Medyo