[JOHN AXLE'S P.O.V.] NAGISING ako na wala sa tabi ko si Miyukie. Bumangon ako upang hanapin siya sa comfort room ngunit wala siya. Nang mapansin ko ang dugong dumikit sa kobre kama ng kama niya napangiti ako. "Totoong may nangyari sa'min." Muli kong sinariwa ang nangyari sa'min kagabi. Hindi ko inisip na mawawala ako sa kontrol. Ang gusto kong mangyari sana ay ihaharap si Miyukie sa altar na birhen pa. Kahit kailan kasi hindi ko hinalera si Miyukie sa mga babaeng naka-s*x ko pero nangyari sa'min dalawa ang hindi dapat pero pareho naming ginusto. "Sasabihin ko na sa parents ko na kailangan kong pakasalan si Miyukie dahil may nangyari na sa'min." Sinuot ko ang damit ko at lumabas ako ng kwarto ni Miyukie. Marahil nasa kusina na siya at naghahanda ng almusal. Bigla ko naman naalala an