[Miyukie's P.O.V.] "Hello, Tita." Sabi ko nang sagutin ni Tita ang tawag ko sa kanya. "Miyukie! Jusko saan ka ba ngayon ilang beses na akong tawag nang tawag sa'yo. Hindi mo sinasagot kahit ang mga text ko nag-aalala na ako sa'yo. Bumuntong-hininga ako. "Tita, wag na kayong mag-alala sa'kin nasa maayos naman akong kalagayan." "Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka umalis sa poder ng mga Santiago? Tawag nang tawag sa'kin si John Axle." Lumunok ako upang pigilan ang nagbabadya kong mga luha. "Walang problema Tita, gusto ko lang maiba ang trabaho ko. Nakatapos naman ako ng ng high school at gusto kong maiba ang trabaho ko ayoko ng maging katulong." Alibi ko. "Miyukie, magsabi ka sa'kin ng totoo. Kilala kita hindi ka basta-basta aalis kung walang mabigat na dahilan." Saglit akong natigil