[Miyukie's P.O.V.] "Miyukiee!" Nabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig kong ingay. "Sunog! May sunog!" Sigaw ko habang paikot-ikot ako sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang unan ko at tumakbo ako palabas ng kwarto ko. "May Sunog!" Sigaw ko. "Okay ka lang?" "Ha?" Saka ako bumalik sa realidad dahil sa tanong ng ka-boardmate kong bakla na si Jonas. "May suno— "I'm just calling your name gaga!" Sabay Irap niya. Mabilis kong pinagmasdan ang buong paligid ko. Wala ngang sunog. "Pwede ba? Magsuot ka nga ng damit. Na-insecure ako sa katawan mo." Umikot ang eyeballs ni Jonas. Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng maikling short at sando at walang bra. Ganito kasi ang suot ko sa tuwing matutulog ako. Hindi naman ako nahihiyang makita ni Jonas ang dibdib ko dahil bakla siya. "Hoy