Agad na nagtungo si Allen sa private room para kay MJ. Hindi na niya nagawang nagpaalam sa asawa niya na buhay si MJ dahil sa kaniyang pagmamadali. Basta ang nasa isipan niya sa mga oras na iyon ay ang makarating agad-agad sa silid para sa binatang idineklarang patay na. "Marc Joseph!" Habol-habol ang kaniyang nang makapasok siya. And yes pumasok siyang hindi man lang kumatok. Ah! Bahala silang pagalitan niya dahil ang mahalaga ay makita niyang muli ang kani-kanina ay naideklara nang patay. "Thanks ,God! You're alive, Iho. What a miracle," hindi magkandatutong sambit niya matapos itong hagkan sa noo. Mahimbing kasi itong natutulog kaya't hinayaan na lamang din niyang. Hinarap na lamang niya ang kumpareng halatang umiiyak. Ngunit dahil sa tuwa hindi na dahil sa pighati. "How's his condit