Dahil sa likas na alaskador na namana pa yata niya sa kaniyang ama ay agad na lumapit ang labing-pitong taong gulang na si Bryana kay Lovely. "Hi, Ate, saan ang punta ninyo? "kalabit niya rito. "Hello ako pala si Lovely. Dadalawin sana namin si Kuya MJ. Kaya lang nakasalubong namin ni Tatay si Sir Alferos. Ikaw, saan kayo pupunta? Ano pala pangalan mo?" sagot naman ni Lovely sa dalagita. "Doon din ang punta namin, Ate. Girlfriend ka ba ng Kuya ko? Ay, ako pala si Florida Bryana but never call me sss baka akalain nilang FACE BOOK just call me Yana which my friends and family call me," pahayag ng dalagita. Namumula namang sumagot ang dalagang si Lovely dahil sa sinabi ni Yana. Umiling-iling muna siya bago sumagot. "Naku, Yana, hindi ako girlfriend ng Kuya mo. Kumbaga ampon kami ni K