"Tatay, may sasakyan pong parating baka mabuko tayu." Kumapit kay Tatay Doro si Adrian Joseph nang naaninag ang paparating na sasakyan. Inaninag naman ng matanda ang sinasabi ng bata kung ang sasakyang ginamit ng heneral ang dumating at laking pasasalamat niya ng napansin na isa itong taxi. Pinara niya agad ito lalo at ramdam niya ang panginginig ni Adrian Joseph. Ang kaawa-awang bata na sa unang tingin pa lang niya ay mabait. Sa bawat sagot nito sa kaniya ay hindi nawawala ang po at opo. Pakiramdam niya tuloy ay nagkaroon siya ng sariling apo at anak sa katauhan nito. "Makakaalis na tayo, Iho. Huwag ka ng matakot. Pangako ng Tatay Doro mo ay ihahatid kita sa Mama at Papa mo." Niyakap niya ito at inakay pasakay sa taxi. Agad silang pumasok sa loob ng taxi nang nakalapit ito sa kanilang d