Nang napagsino ng dalaga kung sino ang payapang natutulog habang nakayakap sa kaniya ay para siyang sinapian ng lakas upang tanggalin ang nakayakap na braso sa kaniya habang nagsisigaw ng MULTO. "Multooo!!!" "Multooo!!!" "Multooo!!!" Isang matapang na alagad ng batas, nagising mula sa inakalang panaginip ay bigla na lamang nagsisigaw ng MULTO. Dahil na rin lakas nang pagsisigaw nito ay nagising si Marc Joseph mula sa mahimbing na pagtulog. Kaya naman ay bigla niya itong sinunggaban ng mapusok na halik. Hindi niya ito binitawan hanggang hindi ito huminahon. Saka pa lamang niya ito pinakawalan nang tumigil. Ganoon pa man ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. "M-MJ," she stammered in whispering his name. "Yes, it's me, my precious Allien Grace. I'm sorry but I'm not dead. Here I