Binayaran na lamang niya ang bill ng dalaga sa sarili niyang pera. Saka parang sako lang niya itong binuhat at isinakay sa kaniyang sasakyan. Mayroon itong sinasabi ngunit hindi na niya pinansin. Ihinabilin niya ang sasakyan nito sa management ng naturang bar at sinabing balikan niya ito kinabukasan. Upang makasigurado ay ipinakita rin niya ang I'D na ipinakita sa apat na manyakis. At pinasibad na niya ang kaniyang kotse. Iniuwi sa mismong bahay ng dalaga na naging saksi sa tawa at luha nila bago maganap ang trahedya. Pagkarating ng dalawa sa bahay ni Grace ay agad binuhat ni Mj ang dalaga papasok sa bahay nito at dinala sa kuwarto nito. Inilapag niya ang ito sa malambot na kama. Aalis sana siya upang kukuha ng maligamgam na tubig at towel para din dito nang nagsalita ito. "MJ," Grace w