"Welcome to our country and family," masayang iminuwestra ni Grandma Grasya Kaskasera ang mga braso nang nakalabas sa paliparan ng Baguio ang buong team ng panauhin nilang pandangal. "Grandma, puweding makayakap muna ako bago welcome to the family?" Pagbibiro pa ni Nichole. "Huwag kang panira ng moment, insan. Aba'y si bayaw Jung Geum ang kausap ni Grandma hindi ikaw." Nakangising pangangantiyaw ni Jervin. "Ay ang dalawang ito oo. Puwede bang manahimik muna kayo at kausap ko ang mamanugangin ko o gusto ninyong ako ang hahadlang sa kasal ninyo?" Taas-kilay tuloy ni Grasya Kaskasera sa dalawang apo. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit ilang araw niyang hindi nakita ang apo niyang military Lieutenant. Ang grupo pala nito ang nagtungong Korea nang nagtawag ng tulong ang isa pang mainit