One day... "Para saan ang meeting na ito mga anak? Aba'y bakit para kayong sinabugan ng granada ah." Pinaglipat-lipat ni Grace ang paningin sa tatlong anak with their spouses. "Aba'y kahit may mga apo na kayo kapag ako ang mainis ay pagsisipain ko kayong anim! Tinatanong kayo ng Mommy ngunit wala yata kayong balak sumagot!" Sa inis ay napataas ang boses ni MJ bagay na hindi naman niya gawain. Subalit iba naman kasi ang pakiramdam niya sa oras na iyon. Mahaba-haba na ang nilakbay ng buhay nilang mag-asawa. Madalas pa rin silang magkita-kita na mag-anak. Ngunit sa araw na iyon ay kakaiba ang pakiramdam niya. "Teka lang, Iyakin ko. Aba'y nabaliktad na ba ang earth ngayon? Bakit ikaw na ang mainitin ang ulo? Diba dapat ay ako?" Baling at tanong ni Grasya Kaskasera sa asawang biglang nagali