Few days later... "Kumusta na ang kalagayan ng apo ko, anak?" tanong ni Grasya Kaskasera sa manugang. "Ayon sa nurse na nakatalaga sa kaniya ay stable na po ang kalagayan niya, Mommy," tugon nito. "Dahil sa kagustuhan niyang iligtas ang mga tauhan niya ay siya naman ang napahamak. Nakaligtas nga tayo dahil sa "daan" na iyon ngunit ang apo ko naman ang nasa hindi maayos na kalusugan," malungkot na saad ni Grandpa MJ. Tinawag nilang daan ang underground way mula sa kanilang tahanan hanggang sa AGDA. Dahil ayaw din naman nilang malaman iyon ng publiko. Para sa emergency cases lamang kagaya sa pagkakataong iyon. "Dad, walang may kagustuhan sa nangyari. Kung mayroon mang dapat sisihin ay walang iba kundi ang mga balimbing na iyon. Maaring hindi pa naubos lahat ang mga hudas sa mundong ito