Few months later "It's been a while since we sent him in MARGARITA. Wala pa ba kayong balita tungkol sa kaniya?" tanong ni MJ sa anak. Isang araw habang nasa garden sila. "Sa ngayon ay wala pa, Daddy. Ngunit mamaya ay mayroon na. Darating daw ang marinong iyon. Mukhang may magandang espiritong sumanib sa kaniya kaya't naisipan niyang dadalaw dito sa Baguio," tugon ni Janellah. Kaso kurot ang napala sa ina. "Kapag ako ang mainis sa iyong babae ka ay kahit nasa harapan ka ng asawa mo ay talagang paluin kita!" singhal pa nito. "Ay, teka lang, Mommy. Bakit? Aba'y sinagot ko lang naman ang tanong ni Daddy ah. May tatlo ka ng apo sa akin, mayroon na ring great grandchild kaso nangungurot ka pa." Dahil wala naman siyang kaalam-alam ay napangiwi siyang napatingin sa inang wala na yatang ipinag