"Po? Ano po ito, Daddy, Mommy?" maang na tanong ni Jameston. Isang buwan na ang nakalipas simula nang dumating sila sa isa ring buwan na pamamasyal as honeymooners. Two ways naman kasi ang tickets nila. Bigay ng kani-kanilang ninuno na halatang mas natutuwa pa kaysa sa mismo nilang magulang. "Open it, son. Pero teka lang, aba'y umagang-umaga pero hindi ko yata nakikita ang asawa mo ah." Nakangiting pagtango ni Grasya kasabay nang paggala sa paningin. "Lumabas po, Mommy. Kasama ni Marie, mayroon daw bibilhin sa Canteen," tugon ni Jameston kahit abala sa pagbukas sa sealed envelope na iniabot ng mga biyanan. "Aba'y ganito kaaga? Canteen? Ano ang problema ng taong iyon? Nag-away ba kayo?" muli ay ni Grasya. Kaso umiling-iling ang manugang nila. "Bunt---" "Here I am--- ay nandito pala k