Sa paglipas ng mga taon. Mas nadagdagan ang mga apo nina Grasya Kaskasera at Iyakin. Naging tatlo ang mga supling nina Adrian Joseph at Clarissa Adeline, si Jamellah ay naging dalawa na rin ngunit tatlo sana kung hindi namatay ang kambal ng babae o ang bunsong anak. Bunso dahil simula ng halos mamatay rin ito dahil sa kapabayaan ng doctor kaya't namatay ang kambal ni Jamaica Faith ay hindi na ito nagbuntis. Samantalang ang Kaskasera the second ay naging tatlo rin. Ang prinsesa ngunit malditang si Mary Claire! Sa edad nitong tatlo ay inaaway na ang mga Kuya na limang taon. "Bad ka, Kuya Vin(Jervin)! Bad ka! Isusumbong kita kay Grandpa!" matinis nitong sigaw. "Ganyan ka naman palagi eh. Kababae mong tao tapos ang galing mong magsumbong," ani Jervin. "Ikaw naman kasi, kambal. Kalaro na lan