"Hey, man! Where have you been? Saka ano ba ang nangyari sa iyo at basang-basa ka?" hindi malaman kung matatawa ba si Ginoong Bryan dahil sa hitsura ng anak. "Sa labas, Daddy. Kasalanan ng mga batang Mondragon kung bakit ako basang-basa. Talagang makakatikim ang mga iyon sa akin!" sagot ni MJ kaso tampal lang sa noo ang napala sa ina. "Ikaw na tao ka kung kailan nagkakaedad ka na ay saka mo pa natutunan ang sisihin sila. Nasa hustong gulang ka na at ikaw ang mayroong isip kaya't huwag mong sisihin ang mga pamangkin mo." Nakangiwi itong napatingin kinaroroonan ng mga naglalarong mga bata. Nakapagpalit na rin sila pero mukhang wala silang kapaguran sa paglaro. "Ah, diyan na po muna kayo at ako'y magbihis na. Kailangan kong makabalik sa AGDA," tugon na lamang niya. At bago pa muling makita