"Alferos! Andaya!" sigaw ni MJ ng nasa loob na siya ng opisina niya. "Boss, bakit? Bakit ka nakasigaw?" tanong nang kakamot-kamot na si Alferos pero todo ang pagpipigil sa sariling huwag matawa dahil sa itsura ng boss nila. "Saan ang sunog, boss? Tatawag na ba ako ng bombero?" tanong din ni Andaya. Kaso ang Boss nila ay mayroong dalaw! Naging masungit na rin ito! "Hindi ko kayo tinawag upang asarin ako mga tarantado. Samahan n'yo si Miss Villafuerte na maghanap nang mauupahan niyang apartment bukas na siya magsisimulang magtrabaho. Huwag na huwag kayong babalik dito kung wala siyang---" Ang biglang nanapak ay bigla ring nagsalita! Ang nag-iisang nakakasalungat sa Boss ng AGDA! "Boss, bakit ba napakarami mong sinasabi? Nandito ako para magtrabaho at isa pa bed spacing okay na ako roo