"Ano?! Baby Adrian still need to be far from us, mahal ko?" gulat na saad ni MJ nang ilatag nina Grace at Rey ang kanilang plano. "Manahimik ka nga, Iyakin. Buhay ng anak natin ang nakataya rito. Kaya't sumang-ayon ka na. Magkakasama pa rin naman tayo after all this mess." Pinadidilatan pa talaga ni Grace ang asawa. Dahil aba'y unang plano nilang mag-asawa simula nang nahuli sila ng kanilang anak! Tapos gusto pa siya nitong salungatin "Tama ang Misis mo, Boss. Don't worry hindi basta-basta napapasok ng mga taong labas ang bayan namin. Kunting pagkakamali nila roon ay kulungan agad ang bagsak nila." Sang-ayon naman ni Rey Kaso! Bago pa man makapagsalita si MJ ay ang anak naman niya ang nagsalita. "Papa, puwedi po ba akong sasama kay Tito? Kasi gusto ko pong makita ang bata kanina, iyon