Agad nilapitan ng tatlo si Adrian Joseph nang nakitang napamulagat ito sa loob ng opisina. Nakakalat ang mga damit ng dalawa sa main office ng ama nito at nakabukas ang pintuan sa private room. Kaya't kitang-kita ng bata ang mga magulang na hubo't hubad at magkayakap habang mahimbing na natutulog. Tinakpan ni Rey ang mata nito at bahagyang hinila palabas. Lalo at kitang-kita sa mukha nito ang pagka-shocked. Sinamantala naman ito ni Shane. Dinampot lahat ang mga damit ng mag-asawa saka itinapon sa loob. At hinila pasara ang pintuan hindi inalintana kung mabubulabog ang mag-asawang natutulog. Well, iyon naman talaga ang paraan niya upang po ukawin ang dalawa. Iniisip pa lamang nila na kausapin ang mag-asawa ngunit mukhang sa langit na nakarating ang dalawa. Well, kahit naman siguro siya ka