Lahat ay naging masaya dahil naging successful ang operasyon ng blood clot sa ulo ni Grasya Kaskasera. Nagtulong-tulong sila para sa lahat. Kahit ang manugang nilang Española ay naging malaki rin ang naging bahagi. Pinauwi sa bansa ang private plane ng mga Herrera dahil ang isa sa eroplano ng pamilya nila ang ipapagamit pag-uwi ng mga nasa España. Baguio City, Philippines "Kumusta na raw si Mommy, Kuya?" tanong ni Janellah sa kapatid. Naiwan naman kasi silang mga youngsters at ang mga oldies ang sumama sa Spain. Ang rason nila ay wala naman daw ginagawa sa bansa samantalang sila ay mayroong kani-kanilang trabaho. Hindi na raw bale ang mga assistance sa mismong pasyente dahil special patient ito at ipinasigurado ng manugang nilang Española na wala silang problema tungkol sa bagay na iyon