Few years later... "Kumusta na ang panganay ninyo?" agad na salubong na tanong ni MJ sa mag-asawang Jamellah at Zack nang dumalaw sila. "Sa palagay ko ay unti-unti na siyang umuusad, Daddy. Dahil simula noong pumasok siya sa kampo ay nakikita ko na rin ang ngiti sa mukha niya," tugon ni Zack. "Mabuti naman kung ganoon dahil hindi kami sanay ng Mommy ninyo na may nagluluksa palagi sa inyong lahat. Alam kong gagawin ninyo ngunit nais ko ring ipaalala ang tungkol sa mag-inang Ellaine at JR. Kung pumapasok na siya sa kampo ay siguradong maari n'yo na siyang kausapin tungkol sa mga will na iniwan ng kaibigan niya." Dagdag pa niya. "Opo, Daddy Nabanggit na po namin sa kaniya noong nakaraang linggo. Ah, maiba pala ako, may nabanggit si Kuya tungkol sa panganay niya. Kumusta naman daw si Nicho