Nagising si saphire na nakahiga na sa kanyang kama. Naalala niya ang nagyari kanina pag-uwi niya, nadatnan niya si marky at jen sa labas ng bahay nila at dun na siya nawalan ng malay. Kagagaling lang nila noon ng ospital, isinugod pa nila ang ate ruby nila pero dead on arrival na ito. Halos mawasak na ang puso niya nung sinabi ng doctor na wala na ang ate niya. Hindi siya makapaniwala, sana panaginip lang ang lahat sana buhay pa ang ate niya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili pero heto siya at umiiyak na naman. Bumangon siya sa kanyang kama para bumaba at asikasuhin ang magiging burol ng ate ruby niya. Nasa labas na siya ng kanyang kwarto ng marinig niya ang mga pamilyar na boses. Ang mga magulang niya at ang dalawa niyang kaibigan ay nasa salas. Naririnig niya pang umiiyak ang kanyang ina at ang ama naman niya ang nagsisigaw sa galit. Nakababa na siya at ng mapansin ng mga ito ang presensya niya. Nilapitan kaagad siya ng kanyang ina at niyakap ng mahigpit. Ngunit para na siyang namanhid wala siyang emosyon ng harapin siya nito.
"Anak bakit ito nangyari sa ate mo"? garalgal na sabi ng mommy niya na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Anak sabihin mo sa amin ng mommy mo, anong nangyayari sa ate mo ng hindi namin alam"? Namumula na din ang mata ng kanyang ama na kagagaling din nito sa pag-iyak. Kinwento naman ni saphire ang lahat lahat ng mga nangyayari sa ate niya at kung bakit ayaw nito ipaalam sa mga magulang nila. Galit na galit ang daddy niya sa nalaman at gusto nitong pumunta sa eskwelahan pero pinigilan lang niya.
"Dad dont worry ako na po ang bahala"
"Bakit mo hinayaan saphire anak, kung sinabi mo hindi sana mangyayari ito" namumula na sa galit ang ama at hindi niya alam kung papaano ito pakakalmahin.
"I'm so sorry dad, I'm so sorry" paulit ulit niyang hingi ng tawad habang nakaupo siya at nakayukong umiiyak.
"I'm sorry din anak hindi ko sinasadyang sigawan ka, niyakap naman siya ng kanyang ama.
"Kakausapin ko ang president ng school na yon ipapaalam ko ang nagyari"
"No dad! nakakunot na pigil ni saphire sa kanyang ama na nagtataka. Maging ang ina nito at dalawang kaibigan ay nagulat din.
"Bakit hija anong dahilan? tanong naman ng mommy niya na katabi din niya sa mahabang sofa.
"I have a plan mom, let me handle this"
"Anak anong binabalak mo? ang daddy naman niya ang nagtanong.
"Dont worry dad, I'll take care of it! and I'm make sure na pagsisisihan nila habang buhay ang ginawa nila kay ate.
"Gurl, hindi namin alam kung ano ba ang gusto mong mangyari pero baka ikaw pa ang mapahamak, nag-aalalang sambit ni jennica sa kaibigan.
"Oo nga bakla hayaan nating ai tito arthuro ang gumawa non.
"No! ako ang gagawa non. "Please dad mom, let me handle it huh? magtiwala kayo sa'kin. Ito na lang ang magagawa ko para kay ate". Wala ng nagawa ang mga magulang niya kundi sundin ang gusto ni saphire, may tiwala sila sa anak at sisiguraduhin nilang wala na din masamang mangyayari kay saphire.
Hindi nila ipinaalam sa eskwelahan ang pagkamatay ni ruby itinago nila ito at pinalabas nilang lumipad na ito patungong ibang bansa at doon na mag-aaral. Pina cremate na lang nila ang ate niya sa kagustuhan din ng kanyang mga magulang dahil wala din naman silang ibang kamag-anak dito at wala din naman siyang kaibigan. Tanging si Marky at Jennica lamang ang nakakaalam ng tungkol dito. Simula ng mamatay ang ate ruby niya ay sa kwarto na siya ng ate niya natutulog wala ding araw na hindi siya umiiyak, hindi na din siya makakain ng maayos at makatulog. Ang mga magulang naman niya ay nagpasyang tumungo muna ng amerika dahil hindi nila pwedeng pabayaan ang kanilang negosyo, ayaw pa sana nilang umalis para samahan si saphire ngunit si saphire na din ang nagpumilit sa mga ito na umalis. Isang linggo na din ang lumipas ng mamatay ang kanyang kapatid, hindi muna siya pumasok sa eskwela dahil hindi niya pa niya kaya harapin ang mga estudyanteng nagpahirap sa kapatid niya, kailangan niya muna planohin ang mga gagawin niya bago niya ito harapin.
Nakaupo siya sa kama ng ate niya ang marahang hinahaplos ang ito, kinuha niya ang isang unan na palagi niyang gamit. Niyakap niya ito na para bang yakap din niya ang kanyang kapatid. Nandun pa din ang amoy nito, ang natural na amoy ng ate niya. Maya maya'y tinungo naman niya ang closet nito, marahan niya itong binuksan. Nakita niya ang pagkakaayos ng mga damit ng ate niya. Simula ng mga bata pa lang sila ay maayos na ito sa gamit. Sa damit, sa mga bags, sapatos at kung ano pa. Sunod ay umupo naman siya sa study table nito nakita niya ang mag pictures nila ng ate niya nung mga bata pa lang sila at ang family pictures nila. Hinaplos niya ito, at nagsisimula na namang pumatak ang kanyang mga luha, pagkuway binalik din niya ang picture sa lamesa. Sunod naman niyang binuksan ang drawer na nasa bandang kaliwa. Nakita niya ang isang kulay puting papel na sa palagay niya ay sulat. Kinuha niya ito pero walang nakalagay sa labas na pangalan. Hindi na siya nagdalawang isip pang buksan. Dali dali niya itong binuksan at binasa.
To Travis:
Kung sakali mang mabasa mo 'to sigurado akong wala na ko sa mundong ito. Gusto ko sanang sabihin sayo na masaya ako kasi nakilala kita. Ikaw lang ang naging kaibigan ko, at alam kong naging totoo ka sa'kin. Aaminin ko sayo na nagkaron ako ng pagtingin sayo nung una pa lang pero alam ko naman din na hindi mo ko magugustuhan kaya minabuti ko na lang na itago itong nararamdaman ko para sayo.
Noong hinalikan mo ko sa rooftop nung party hindi ko alam kung bakit mo yon ginawa, pero alam kong hindi ako ang naiisip mo nung panahon na yon. Dahil siguro sa madilim ang lugar na yon kaya hindi mo tiyak kung sino ako. Masaya ako kasi kahit papano ay nahalikan ko ang taong gusto ko kahit na hindi ako gusto.
Ayoko din sanang sisihin mo ang sarili mo sa nangyari sa'kin. Wala ka lang choice kaya napilitan kang gawin yon.
Ayokong maguilty ka ng dahil sa'kin. Salamat travis sa lahat lahat.
Ruby Sevilla
Napatayo siyang bigla ng mabasa niya ang sulat, hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa sulat at mahigpit niya itong hawak na naginginig ang mga kamay. Bagsak ang kanyang balikat dahil sa nalaman niya, galit at pagkasuklam ang nararamdaman niya ngayon. "Ano ang ibig sabihin ni ate na hindi kasalanan ni travis? bulong niya sa kanyang sarili. Iisa lang ang naiisip ni saphire, may kinalaman siya sa nangyari sa ate niya.
Kinabukasan ay nagpasya na siyang pumasok para maisagawa ang mga plano niya. Nasa labas na siya ng kanilang bahay at inutusan ang driver nilang kunin ang isang kotse at siya na. mismo ang magmamaneho nito. Nakaawang naman ang mga labi ni Manang miding pagkakita kay saphire.
"h-hija, a-anong nangyari sayo? takang tanong niya sa dalaga. Ang dating saphire na simple lang at walang arte sa katawan ay bigla na lang nagbago.
Suot nito ay maikling palda na uniform niya na above the knee at medyo hapit sa kanya na hindi naman siya ganon magsuot noon. At long sleeve na halata ang kanyang magandang hubog na katawan, at naka 4 inches siya na high heels na hindi naman niya nakasanayan noon. Ang mahabang buhok niya na hanggang bewang ang haba ay pinaiksian din niya na hanggang balikat na lang at pinakulayan niya ito ng ash gray na noon ay natural brown lang ang kulay. Dahil sa itsura niyang yon ay lalong lumabas ang kanyang kaputian at ganda. Naglagay din siya ng lipstick na kulay rosas na mas lalong bumagay sa kanyang maliliit na labi.
"good morning manang! masayang bati niya sa kasambahay.
"Bagay po ba sa'kin?
"ha? ah o-oo hija" mas lalo kang gumanda.
"thanks po manang, sige po mauuna na ko, paalam niya dito at sumakay na siya sa kanyang kotse. Nagtataka man si manang ay hindi na siya muli pang nagtanong sa dalaga.
Nakarating na si saphire sa kanilang eskwelahan at pinark na niya ang kanyang sasakyan. Lumabas na siya ng kanyang kotse na suot ang mamahaling shades, saktong pagkababa niya at nagsitinginan naman sa kanya ang ilang mga estudyante na naroroon. Ang iba ay laglag ang panga lalong lalo na ang mga kalalakihan. Tinanggal naman nito ang kanyang shades at tinignan ang mga iilang estudyante.
"Be ready students, because I'm back, and ready for my revenge" bulong niya sa kanyang sarili