THE TRUTH

1101 Words
Galit na galit at nakakuyom ang mga palad ni travis habang tinatahak niya ang daan papuntang Quarters nila. Hindi niya akalain na itutuloy ni clifford ang pagpapakalat ng video ni ruby, ang masama pa niyan ay kapag nalaman na siya ang nagvideo non at hindi rin malabong mangyari na sabihin ni clifford na siya ang nagpakalat dahil desperado ang kaibigan na masira siya sa kasalanang hindi naman totoo. Nakarating na siya ng quarters at pabalagbag niyang binuksan ang pinto nakita niya si clifford na prenteng nakaupo sa sofa at nakangising nakatingin sa kanya na animoy hindi nagulat sa itsura niya. Samantalang ang dalawa niya pang kaibigan na si asher at jerome ay napatayo pa sa gulat ng makita nila si travis na madilim ang tingin kay clifford. Malalaki ang hakbang ni travis na lumapit kay clifford at kinwelyohan niya itong patayo. "f**k you cliff!!! Sinuntok niya ito kaya napatumba siya, inawat naman siya ng dalawa niyang kaibigan sa magkabilang braso. At tumayo naman kagad si clifford na may dugo na sa gilid ng kanyang labi. "Have you watch it already"? nakangisi niyang sabi sa kaibigan. "Hindi ko alam na ganyan ka na pala kasama! pati inosente dinamay mo! cliff sa'kin ka galit bakit kailangan pa niyang madamay!!? "Sinabi ko na sayo kung bakit hindi ba? "Teka cliff ano bang sinasabi niyo? Nagtatakang tanong ni asher habang papalit palit ng tingin kay clifford at travis. "itanong mo dyan sa magaling mong kaibigan kung ano ang ginawa niya"! pasigaw na sabi ni travis na hindi pa din binibitawan nila asher at jerome. "Ikaw ba cliff ang nag-upload ng video"? si jerome naman ang nagtanong. "yes its me, at si travis ang nagvideo yon" "Because I dont have a choice!! at saka lang nagpumiglas si travis sa pagkakahawak sa kanya ng dalawa niyang kaibigan. Lumapit siya kay clifford na matatalim ang mga titig. "From now on cliff, you're not my friend anymore" tapos na ang obligasyon ko sayo, kung gusto mo kong saktan sige gawin mo! pero wag na wag mong idadamay ang pamilya ko at ang kumpanya! tinalikuran na niya si clifford, pero ng akmang bubuksan na niya ang pinto ay muling nagsalita si clifford. "Alam na ba ni ash"? sabay sabay silang nagulat sa tanong sa kanya ni clifford at tinignan ni ash si travis ng may pagtataka. "So, hindi niya pala alam? nakangisi nitong sabi. "Ang alin cliff"? si asher ang nagtanong "Why dont you tell him travis? "Tell him what!? "Tell him that you also like saphire" don na sinulyapan ulit ni asher si travis, at si travis naman ay nagpupuyos sa galit kay clifford. "f**k you cliff" may diing sabi ni travis "He's you're bestfriend pero balak mo ding gawin sa kanya yung ginawa mo sa'kin! "thats not true! wala kaming relasyon ni ambria! "oh really huh!? hanggang ngayon pa rin travis nagsisinungaling ka pa rin! "Dahil yon ang totoo! namumula na si travis sa galit at nagtataas baba na ang dibdib nila pareho. "Ambria told me that you like each other" pagkasabing yon ni cliff ay dun na pumatak ang kanina niya pa pinipigilang luha, at saka ito tumalikod para punasan ito. "She lied to you cliff" tumawa naman ng pagak si clifford "She told you that para layuan mo na siya dahil sa banta ng papa mo" nakapamewang na hinarap ni clifford si travis. "Ngayon mo sabihing wala kang gusto kay saphire" nagsukatan ng tingin si travis at clifford samantalang nag-aantay naman si asher kung ano ang isasagot ni travis. Sa huli ay ai travis ang nag iwas ng tingin sa kaibigan. At muli niyang sinulyapan si asher. "I'm sorry" nasabi na lang niya kay asher at saka siya lumabas ng quarters. Nagpunta si travis sa likod ng university kung saan palagi siyang naglalagi. Naupo siya sa ilalim ng puno at mariing pumikit. Hindi niya namalayang sinundan pala siya ni asher at tumabi sa. kanya, dun na lamang siya nagmulat at sinulyapan ang kaibigan. "I believe in you bro, alam kong walang namamagitan sa inyo ni ambria noon. Saglit na katahimikan at nagsalita ulit si asher. "Pero hindi ako maniniwala kung sasabihin mong wala kang gusto kay saphire" Napalunok siyang bigla sa sinabi ng kaibigan. "Actually matagal na kong may gusto kay saphire before I knew that you also like her" wala akong lakas ng loob na lapitan siya o kausapin, okay na sa'kin ang nasusulyapan siya at araw araw na nakikita sa school, dahil alam kong hindi naman siya interesado at natatkot din akong mareject. Paliwanag niya kay asher na malayo ang tingin. "Hindi naman kita pipigilan bro kung gusto mong ligawan din si saphire" tinignan ni travis si asher na may pagtataka. Tinapik lang nito ang kanyang balikat at tumayo. "You're my rival now bro, and may the best man win" pagkasabi niyang yon ay umalis na din si asher at naiwang nakatulala si travis. Iniisip niya kung binibigyan ba siya ng pagkakataon ni asher. Sinusubukang tawagan ni marky si saphire ngunit kanina pa nito hindi sinasagot ang telepono nito. Kakatapos lang ng una nilang subject at balak nilang hindi muna pumasok para puntahan si saphire. "Jen ikaw nga ang tumawag kasi hindi niya sinasagot yung cellphone niya eh, sabi ni marky habang pababa sila ng hagdan. "Wala din bakla, puntahan na kaya natin siya sa bahay nila? "Sige tara na! palabas na sana sila ng gate nang masalubong nila si asher at jerome. "jen marky san kayo pupunta? si saphire bat hindi niyo kasama? Takang tanong niya sa dalawa. "Ah s-sa mall may b-bibilhin lang kami. Si jennica na ang sumagot. "Si saphire bakit hindi niyo kasama? Nagkatinginan muna sila ni marky at jen bago ito sumagot. "Aahm hindi nakapasok masama daw ang pakiramdam" sabi naman ni marky, bago pa magsalita ni asher ay nagpaalam na si jen at marky sa mga ito. Habang nagmamaneho si jennica ay hindi nila maiwasang hindi mag-alala para sa kaibigan at sa kapatid nito. Nakarating na sila sa bahay ng kaibigan ngunit kanina pa sila nagdodoorbell pero walang sumasagot. At maya maya ay dumating na din ang sasakyan nito at iniluwa nun si saphire.Nakatulala at parang wala sa sarili siyang bumaba ng sasakyan kasunod nito si manang miding at mang. ben. Dinaluhan kagad siya ng dalawa niyang kaibigan. "Bakla bakit ganyan ang itsura mo"? Nagsimula na naman siyang umiyak kayat niyakap naman siya ni marky at hinahagod ni jennica ang kanyang likod. "Wala na si ateeee!! wala na siya!! iniwan na niya ko"!! sa sobrang iyak niya ay bigla na lamang siyang nawalan ng malay. Ang huling narinig niya ay ang pagtawag sa kanya ng dalawa niyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD