HER DEATH

1968 Words
I'm sorry ruby I didn't mean to hurt you, hindi ko alam na ganon ang gagawin ni clifford", malungkot at seryosong sabi niya kay ruby. Nakasandal siya sa pader na katapat lang ng banyo at kakalabas lang ni ruby para magpalit ng damit na pinahiram sa kanya ni travis. Hinarap naman ni ruby si travis na nakayuko. "Wala kang kasalanan travis, hindi mo kasalanan yung nangyari, Doon lang nag-angat ng ulo si travis para tignan si ruby. Naguiguilty siya dahil wala siyang nagawa para ipagtanggol ang kaibigan, at isa pa alam niyang ipapakalat niya ang video pero hinayaan lang niya na gawin yon, naging sunud sunuran siya sa gusto ni clifford dahil ayaw niyang masira ang pamilya niya at mas pinili niya ito kaysa sa dignidad ni ruby. "Ang totoo niyan kasalanan ko dahil naniwala ako, kung hindi sana ko pumunta hindi mangyayari to, sa nangyari sa'kin ngayon ayokong sisihin mo ang sarili mo, nagkatitigan sila at si travis na din ang unang nagbaba ng tingin. "Let me handle this ruby, titignan ko kung anong kaya kong gawin para lang hindi lumabas yong video I'll talk to cliff. Umiling lang si ruby at ngumiti ng mapait "Hindi mo kailangan gawin yun travis, kaibigan mo din si clifford, mas lalo akong maguiguilty kung may mangyari sayo at lalong lalo na sa kumpanya niyo na pinaghirapan ng parents mo. "But ruby"__! pinutol ni ruby ang anumang sasabibin pa ni travis sa pamamagitan ng pag-iling nito. "I'm okay travis" malungkot nitong wika kay travis "you're not" Saglit silang natahimik, bumuntong hininga muna si travis saka na niya inaya si ruby umalis sa eskwelahan. "Dito na lang ako travis kaya ko na malapit na lang naman yung bahay namin dito, nagpababa na lang siya kay travis bago pumasok ng kanilang subdivision. "Are you sure? nag-aalalang tanong niya kay ruby. "Oo travis dito na lang ako, bababa na sana siya ng humarap siyang muli sa binata. "Travis masaya akong nakilala kita at naging kaibigan ka, ikaw lang yung natatanging naging kaibigan ko, kaya masayang masaya ako. Nagtaka si travis sa sinabi ni ruby na para bang ito na ang huling pag-uusap nila, hindi na lang niya pinansin ang mga isiping iyon at nagpaalam na din siya kay ruby ng makababa na ito ng kotse niya. "Hija kumain ka na ba? Salubong ni manang miding pagkapasok ko ng bahay. "opo manang, sila mom and dad saka saphire po? "Si saphire nakipagdate kay asher at yung mommy at daddy mo naman nasa kwarto na sila. "Ah ganun ba manang? sige po pupuntahan ko na lang sila. Aakyat na sana ako ng hawakan ni manang miding ang aking braso. "hija ayos ka lang ba? ma pag-aalalang tinig nito, "saka bakit ganyan na suot mo? tinignan muna ni manang miding ang aking suot. "Ah hiniram ko po ito sa kaklase ko natapunan kasi ako ng kape kanina buti na lang may extra siya, pagsisinungaling ko kay manang. "ganun ba hija? mag-iingat ka sa susunod mabuti at hindi ka napaso. "Dont worry manang mag-iingat na po ako, pagkasabi kong iyon ay nagtungo na muna ako sa aking kwarto, dumeretso ako sa banyo at naligo ng maigi. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ko ng pangtulog, naisipan ko muna pumunta sa kwarto nila mommy at daddy. Kumatok ako ng tatlong beses at saka nagsalita si daddy hudyat na pumasok ako. Dahan dahan kong pinihit ang seradura at nabungaran ko ang aking magulang na nakaupo sa kama at abala pareho sa kanilang binabasa. "O hija kanina ka pa ba dumating? Umayos naman ng upo si mommy pagkakita sa'kin. Umupo naman ako sa gilid ng kama. "Halos kadarating ko lang po, "May kailangan ka ba anak? malambing na baling naman sakin ni daddy. "I just want to say goodnight. mom, dad. niyakapa ko sila ng mahigpit pareho pagkasabi kong yon. Nagtaka naman sila sa aking inasal. "Nagtataka ako cheska ano bang meron ngayon bakit naglalambing sa'tin ang mga anak naten? nangingiting sabi ni daddy, "Malambing naman talaga yang mga anak mo, siguro namiss lang talaga nila tayo hindi ba anak? Hinawakan naman ni mommy ang dalawang kamay ko. Napaka init ng kanyang kamay, ramdam ko ang pagmamahal niya. Gusto ko pa sila makasama ng matagal at gusto ko pang maramdaman ang pagmamahal nila. "Yes mom" sige po matutulog na ko, pumunta lang po ako para mag goodnight sa inyo. Pagkasabi kong yon ay humalik na ako sa pisngi ng aking mga magulang. Nasa pintuan na ko at lalabas na sana ng bigla ko ulit sila harapin. "Mom, dad" sabay pa silang napalingon sa'kin pagkatawag ko sa kanila. "I love you both! I'm so lucky to have you as my parents. Pagkasabi kong iyon ay lumabas na ako ng kwarto nila at sa paglabas kong iyon ay doon na ko umiyak at tumakbo sa sarili kong kwarto. Samantalang kinataka naman ng mag-asawa kung bakit kakaiba ang kinikilos ng kanilang anak na isinawalang bahala na lang nila, dahil siguro'y namiss lang sila nito. Umalis ng maaga ang kanilang mga magulang dahil mayron daw itong dadaluhang business meetings at si saphire naman ay handa na ding pumasok sa kanyang eskwela, subalit nagtaka naman siya kung bakit hindi pa bumababa ang kapatid kaya nagpasya siyang akyatin ito sa kwarto. Kumatok muna siya at maya maya din ay pinagbuksan siya ng kanyang ate ruby. Nagulat naman siya dahil hindi pa ito nakabihis. "Ate bakit hindi ka pa bihis? wala ka bang klase ngayon? "Magdamag kasing masakit ang ulo ko ang dami ko din kasi ginawa kahapon. "Teka ate ikukuha kita ng gamot mo" akmang aalis na sana si saphire ng pigilan siya ng kapatid. "Okay lang ako sis wag ka na mag-abala pa itutulog ko lang ito, pag hindi pa din nawala at saka na lang ako iinom ng gamot. "Are you sure"? tumango lamang si ruby sa kanyang kapatid. "Kumain ka na din ate ha? bibilinan ko si manang miding na dalhan ka na lang dito sa kwarto mo ng pagkain. "Salamat sis" "No worries ate magpahinga ka muna" tatalikod na sana si saphire ng magsalitang muli si ruby. "aaahm saphire. "yes ate? may kailangan ka pa? tinitigan muna ni ruby si saphire at hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay at mariin na pinisil at ngumiti. Nangunot naman ang noo ni saphire sa pagtataka. "ready na ko sis na sabihin mong magkapatid tayo" Nanlaki naman ang mga mata ni saphire sa sinabi ng kapatid, may halong gulat at saya ang kanyang nararamdaman, sa wakas ay hindi na nila kailangan magpanggap hindi na niya iniisip pa ang mangyayari sa kanila at sasabihin ng ibang estudyante ang mahalaga ay masaya siya sa naging desisyon ng kapatid. "Are you sure ate!? masayang tanong nito sa kanyang ate. Tumango lamang si ruby at maya maya ay niyakap siya ng mahigpit ni saphire. "sige na sis umalis ka na at baka malate ka pa, "Sige ate magkita na lang tayo mamaya at sabay tayong pumasok bukas. Hindi naman nagsalita si ruby sa sinabing iyon ni saphire sa halip ay hinaplos nito ang kanyang mahabang buhok at ngumiti. "Always remember this saphire mahal na mahal ka ni ate, Tinitigan muna ni saphire si ruby ng may halong pagtataka "Ano ka ba ate matagal ko ng alam yan at mahal din kita, kung makapagsalita ka naman akala mo naman hindi tayo magkikita mamaya" Pinanliitan naman niya ito ng mata at saka naman tumawa si ruby. "Sige na sis umalis ka na kasi malelate ka na, taboy niya dito. "sige ate magkita na lang tayo mamaya" Umalis na din si saphire at naiwang naluluha naman si ruby, "Mahal na mahal ko kayo" Habang Nakasakay sa kotse ay hindi ko maiwasang mag-alala kay ate ruby, nagtataka ako sa mga kinikilos niya kanina, at anong dahilan naman kung bakit siya nagdesisyong ipaalam na sa lahat na magkapatid kami. Tatanungin ko na lamang siya mamaya pag-uwi ko. Nakarating na ako sa eskwelahan at papasok na sana sa loob ng campus, nang makarinig ako ng mga usap usapan ng estudyante. "Napanood niyo ba" "grabe kawawa naman"! "sa site ng school di ba? "sino kaya ang nag-upload non"? "tara panuorin natin" Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng classroom namin nang bigla akong salubungin ni marky at jennica na patakbo mula sa akin. "Baklaaaa! "guuuurl!! tawag sa'kin ng dalawa kong kaibigan ng makalapit na sa akin. "oh anong problema? may pagtatakang tanong ko sa dalawa, hindi muna sila saglit nagsalita at humugot muna sila ng malalim na buntong hininga. "G-gurl, Napanood mo ba? "Ang alin? "B-bakla sa site ng school" kinuha ni marky ang kanyang cellphone at doon niya pinakita sa akin kung ano ang ibig nilang sabihin. Habang pinapanood ko ang video ay halos manginig ang buong katawan ko at ang kamay ko ay mahigpit na nakahawak sa cellphone ni marky. Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko, sa nakikita kong pagpapahirap sa ate ko, pakiramdam ko ay unti unting winawasak ang puso ko. Kaya ba hindi pumasok ngayon si ate"? bakit? bakit hindi niya sinabi!? Ibinalik ko ang cellphone kay marky at kinuha ang sarili kong cellphone at sinubukang tawagan ang aking kapatid, nakaka ilang dial na ko pero hindi pa din niya sinasagot, napasabunot na ko sa mahabang buhok ko sa sobrang pag-aalala. Napanood na kaya niya"? Hindi na ko mapakali sa sobrang pag-aalala sa aking kapatid. "Marky can I borrow your car key"? "bakla you can't drive in that situation. May pag-aalalang sagot niya sa kaibigan. "pleeasee!! I need to go home, "Okay bakla i'll drive you home, "Just give me your f*****g key!! hindi ko na napigilang sigawan siya at napapatingin na din sa amin ang ibang mga estudyante at nagtataka kung ano ang nangyayari. Wala na din nagawa si marky kaya binigay na din niya ang susi ng kotse niya. Dali dali akong tumungo sa parking lot at sumakay kaagad sa kotse at pinaharurot ko ito. Wala akong sinayang na oras, habang nagmamaneho ako ay panay ang hagulgol ko, hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko pagkauwi ng bahay halo halong emosyon ang ang nararamdaman ko ngayon. Wala pang trenta minutos ay nakarating na kaagad ako ng bahay at patakbo akong pumasok sa loob, hindi ko na nagawang lingunin pa ang driver namin at si manang na kanina pa pala ako tinatawag. Dali dali akong umakyat at nagtungo sa kwarto ni ate ruby. Malalakas ang katok ko sa pinto ngunit hindi pa rin niya ito binubuksan. "Ate!!! buksan mo to please….!!! "Hija ano bang nangyayari? Hindi ko namalayan na sumunod na rin pala sa akin si manang at maya maya pa ay nakaakyat na din ang driver naming si mang ben. "Manang give me the spare key" hindi na nagtanong pa si manang at ilang minuto pa ay bumalik na din siya hawak ang susi ng kwarto ni ate ruby. Binuksan ko kaagad ito, pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Napatakip ng bibig si manang miding at unti unting napaupo sa sahig na inalalayan naman ni mang ben. Nakatulala akong nakatingin sa sahig kung saan ay nakahandusay si ate ruby na wala ng buhay at may dugo sa kanyang pulso. Unti unti naman akong lumapit sa gawi niya at umupo, hinawakan ko ang kamay niya kung saan ito may laslas. Tumutulo pa ang mga dugo nito, sunod ko naman ginawa ay pinulsuhan ko ito sa kanyang leeg nanginginig ang aking mga kamay habang hawak ang kanyang leeg. Nang hindi ko maramdaman ang pulso nito ay doon na ko humagulgol ng iyak. "Aaaaaaaah!!!! ATEEEEEE!!!!! "No please!! dont leave me!!!!! sigaw ko habang yakap yakap ang katawan niyang wala ng buhay. "Why you do this?! WHY???!!!! "Mang ben dalhin natin siya sa ospital please! Mabubuhay pa siya! Pagsusumamo ko. Eto na ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ko, Ang mawalan ng minamahal lalong lalo na ang nag-iisang kapatid mo. "ATEEEEEEEEE!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD