TEXT

1958 Words
Nasa hardin ang mga magulang ni saphire ng dumating siya galing school. Inaayos ng kanyang ina ang mga alagang halaman nito, samantalang ang kanyang ama naman ay nakaupo sa Upuang bakal at nagbabasa habang umiinom ng kape. Lumapit naman si saphire sa mga ito at humalik bilang paggalang. "Hi mom, hi dad! tumabi si saphire at inihilig ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang ama at ikinawit naman nito ang braso nito sa braso ng ama. "Cheska bakit kaya ang sweet ng bunso natin"? siguro may kailangan to"? Pang-aasar ng kanyang ama, tinignan naman ni saphire ito ng nakanguso. "Dad naman! Naglalambing lang naman ako eh, Kasi anytime aalis na naman kayo para sa business trip. "Oo nga naman arthuro! baka pag nagkaboyfriend yan bigla hindi ka na lambingin niyang anak mo, kasi yung boyfriend na niya ang lalambingin niya, Pang-aalaska naman ng mommy niya na ikinagulat ni saphire at kanyang ama. "Aba cheska dadaan muna sa'kin ang manliligaw ng mga anak mo, saka kapag nahigitan nila ang kagwapuhan ko, nagtinginan naman silang mag-ina saka tumawa dahil seryoso ang kanyang ama habang sinasabi yun. "Seryoso arthuro? sino namang may sabing gwapo ka ha? "Honey kaya ka pla deds na deds sa'kin nung araw, ayaw na ayaw mo pang mawala ako sa paningin mo. "Naku arthuro tigilan mo nga ako baka mamaya ay maniwala naman yang anak mo" "Totoo yun anak" bulong ng kanyang ama ng nakatalikod na ang mommy niya sa kanila, natawa naman siya kasi parang mga bata ang mga ito. "Nga pala dad may gusto sana akong ipaalam sa inyo, kinakabahang titig niya sa ama, dahil hindi niya alam kung papayagan ba siya nito. "Ano yon anak"? bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita. "Can i… go to a… D-date? paputol putol at nabubulol niyang wika sa daddy niya. "Who's your date? "Ahhhm… Asher c-craig dad" naningkit naman ang mata ng daddy niya sa narinig sa anak. "You mean Craig group of companies? "Ah y-yes dad" "How did you know him? "We're at the same school dad, "Ooow I see..So, kailan ang date niyo? "Tonight dad. Saglit muna nag-isip ang kanyang ama bago muling nagsalita, at tinignan siya. "so, you like him? nanlaki naman ang mata ni saphire sa tinanong ng ama. "Dad date lang po yon it doesn't mean that I already like him. "Let's say its a friendly date okay. "Okay hija" May tiwala naman ako sayo, at isa pa, kilala ko naman ang mga magulang niya. "So, kailan namin siya mamemeet ng mommy mo? "Maybe next time dad, kasi sabi ko magkita na lang kami sa restaurant mamaya. "Sige hija, ngumita naman ang daddy niya pagkasabi non. "Siyanga pala dad wala pa ba si ate? "Honey tumawag ba sayo si ruby? tawag nito sa asawa, at humarap naman siya at lumapit sa mga ito. "Oo honey ang sabi niya malelate lang daw siya ng uwi at may research daw kasi siyang gagawin ngayon. "Sige mom, dad akyat po muna ako sa kwarto ko, paalam ni saphire sa kanyang mga magulang at humalik muna ito sa kanilang pisngi bago umalis. Wow hija manang mana ka talaga ng kagandahan sa akin, puri ng kanyang mommy nang makababa na siya ng hagdan. Nakasuot siya ng pink dress na lagpas tuhod na tinernuhan niya ng 3 inches heels at hinayaan lang niyang nakalugay ang kanyang natural long brown hair. "Of course mom! Pero syempre mas maganda ka sa'kin, binigyan nito ng matamis na ngiti ang ina. "O siya sige na hija at baka malate ka pa sa date mo, basta wag ka lang masyadong magpapagabi ha? "Yes mom" siyanga pala where's dad? Hanap nito sa kanyang ama ng hindi ito makita na kasama ang ina. "Nasa study room anak at may kausap na kliyente, ako na ang magsasabi sayo na nakaalis ka na. "Okay mom, bye" hinalikan nito ang ina at lumabas na ng kanilang bahay. Hinatid siya ng kanilang driver sa restaurant kung saan sila magkikita ni asher. Pagkapasok naman niya sa loob ay kaagad niya iyong nakita. Napatulala siya ng bahagya ng mapagmasdan niya itong maigi. He looks handsome in his white long sleeve, and black pants, napaka linis nitong tignan at ang mga labi animoy nilagyan ng lipstick sa pula ng mga ito. Napakurap kurap siya dahil masyado na ata niyang Sinusuri si asher ngumiti muna siya dito at saka lumapit. Pinaghila naman siya ng upuan at pagkuway umupo na rin ito sa kanyang harapan. "You're gorgeous saphire" Nakangiting wika ni asher sa kanya. "Ah thank you" Nahihiya naman niyang sagot sa binata. Tinawag na ni asher ang waiter para umorder, hindi naman mapakali si saphire dahil first time niyang makipagdate pero kinalma niya ang kanyang sarili at umakto ng natural. Habang naglalakad galing library at saktong pauwi na din ako ay biglang may nagtext sa akin na unknown number. Binasa ko ito at nagulat kung sino ang nagtext. "Hi its me travis, meet me at the rooftop of school I will wait for you" Pagkabasa ko ng text niya ay parang may kung ano ang lumilipad sa aking tyan, "bakit niya ko pinapapunta don? at isa pa saan niya nakuha ang number ko, wala naman akong natatandaang binigay ko sa kanya yun". Mga tanong ko sa aking isipan. Imbes na lumabas na ako ng campus ay dumerecho ako sa rooftop kung saan aantayin ako ni travis, siguro ay may importante siyang sasabihin sa akin. Napahinto ako sa pag-akyat ng bigla akong may naalala. "Nalaman niya kaya na ako yung hinalikan niya? P-pero paano? "Paano kung tanungin niya ko tungkol don? nagdadalawang isip tuloy akong makipagkita sa kanya. Pero kahit na kinakabahan ay tumuloy pa din ako papuntang rooftop, siguro ay itatanggi ko na lamang ito nakakahiya kapag nalaman niya baka kung ano pa ang isipin niya sa'kin. Bago ko buksan ang pinto ng rooftop ay huminga muna ko ng malalim at ilang minuto pa ay nagpasya na ko pumasok. Dahan dahan akong naglakad, meron namang ngsisilbing ilaw kaya hindi ako nahirapang maglakad. Nasa gitna ako ng rooftop ng may biglang lumabas sa isang pinto na wari ko ay bodega. "A-avery?? Gulat kong bungad sa kanya, kasama din nito ang dalawa niyang lagi kasama. At meron ding lumabas pa na dalawang lalaki na hindi ko kilala pero estudyante din dito base sa suot nilang uniporme. "A-anong ginagawa niyo dito? "Kami? well, meron lang naman kaming pagpapraktisan dito", habang papalapit ng papalapit si avery sa'kin ay hindi naman maalis ang kaba ko sa dibdib. Hanggang sa napaigtad ako ng may nabangga ako sa aking likuran habang ako'y umaatras, nilingon ko ito at napatingala para mapagsino yon. Lalo akong nagulat at kinabahan ng makilala siya. "Clifford!? "Yes its me! you're expecting someone? nakangisi siya habang nakatitig sa'kin "A-anong kailangan niyo sa'kin? "Dont be rush malalaman mo din mamaya" sinenyasan naman niya yung dalawang lalaki sa pamamagitang ng pagtango niya at kinuha ang isang silyang kahoy at pabalagbag akong pinaupo. Hawak hawak ng dalawang lalaki ang balikat ko at si avery naman ay pumunta sa aking harapan na nakahalukipkip, samantalang si clifford ay nasa may likuran ni avery na siya ding nakaupo sa upuang kahoy at naka de kwatro. "Alam mong ikaw na nerd ka matagal na ko nagtitimpi sayo eh! lalo na kung pano ka ipagtanggol ni travis! Ano bang meron sayong panget ka?! Sabay sampal nito sa magkabilang pisngi ko. Para akong nabingi sa lakas ng pagkakasampal nito sa akin. "Easy avery" wala pa yong hinihintay natin, pigil ni clifford dito. "Ano bang kasalanan ko sa inyo?! bakit niyo ko ginaganito? Nagsimula ng magbagsakan ang aking mga luha. "Actually sa'kin wala kang kasalanan, lets say na gumaganti lang ako sa sakit na pinaranas niya sa'kin because I know you're important to him, and I want him to feel guilty, Mahinahon niyang sabi na may halong galit, pero kanino siya gumaganti? Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng rooftop, Pareho pa kaming nagulat ng magkatinginan kaming dalawa. "What the f**k is this cliff!!!? Galit niyang bungad sa kaibigan at akmang lalapitan ako nang magsalita si clifford. "Is she important than your bestfriend? Napahinto siya sa paglapit sakin at muli itong binalingan ng may matatalim na titig, "What the f**k are you doing cliff? "Simple lang travis my friend, I want you to feel the pain that you cause me, sarkastikong sabi nito sa kaibigan. "Kung gusto mo kong saktan ako na lang cliff! Wag mo siyang idamay dito! Wala siyang kinalaman sa kung anong problema natin! Hindi na napigilan ni travis ang galit niya at kinuyom niya ang kanyang dalawang palad. Tumawa naman ng pagak si clifford at sinuklay nito ang kanyang buhok na gamit ang mga daliri. "Gusto mong mapatawad kita ha travis!? Bago pa makasagot si travis ay kinuha ni clifford ang kanyang cellphone inilagay yon sa video recording at saka binigay kay travis. Kinuha naman ni travis ito ng may pagtataka. "Anong gagawin ko dito? tumabi si clifford sa kanya at itinutok ang hawak nitong cellphone sa akin. Napatingin naman si travis sa kaibigan at mukhang alam na nito ang gustong mangyari ni clifford. "No cliff! I wont do it! sabay hampas ni travis ng cellphone sa dibdib ni clifford. "You wont do it? Okay fine! Kumpanya niyo lang naman ang nakataya dito. "What do you mean? nagtatakang tanong ni travis. "Ah hindi mo pa pala alam! Pwede ko ipull out ang mga ininvest ng parents ko sa kumpanya niyo at mga gagawin nilang projects sa inyo na sisimulan na. Actually hindi naman mahirap gawin yon basta sinabi ko sa kanila, at tiyak malaki ang malulugi sa inyo, you want that happen? matalim ang titig nito sa kaibigan, hindi malabong hindi niya yon gawin, ayaw niyang mangyari yon dahil malaki ang pinundar ng mga magulang niya sa kumpanya, at higit sa lahat malaki ang utang na loob nito sa kanyang mga magulang. Sinulyapan niyang muli si ruby na medyo gulo na ang buhok at namumula na ang mata sa pag-iyak. Naaawa na siya dito, bakit kailangan niya pang madamay? Dahil sa galit ni clifford sa kanya ay pati si ruby dinamay nito sa galit. Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni ruby sa kanya. "Now travis do it" binigay ni clifford muli ang cellphone nito at kinuha naman ni travis, nag-igting ang mga panga nito sa galit, at sinimulan na niyang itutok ang hawak na cellphone kay ruby. Nagsimula na ding pumatak ang mga luha ni travis dahil sa nakikktang awa kay ruby. "i'm sorry I'm sorry!! please forgive me, nasabi na lang niya sa kanyang isipan. At nagsimula ng pahirapan ni avery at mga kasama nito si ruby. Pinagbabato nila ito ng mga itlog at hindi pa nakuntento ay binuhusan pa nila ito ng tubig. Pinindot naman kaagad ni travis ang end button ng video at binalik na kay clifford ang cellphone nito. "Thats enough cliff! Kayong lima, get out of my sight! bago ko kayo mapagbuntunan! galit na sigaw ni travis sa mga ito. Nagmamadali namang umalis ang grupo ni avery at dalawang lalaki, at nang makaalis na sila ay kaagad na nilapitan ni travis si ruby at inalalayan nitong makatayo. Hinubad nito ang suot niyang leather jacket at pinasuot niya kay ruby. "What a nice view huh!? Sarkastikong sabi nito kay travis. "Ito na ang huli cliff na gagawin mo to! Kung ano man ang galit mo sakin, ako na lang! wag ka ng mandamay pa ng inosenteng tao! "Sure! no problem! tinalikuran na niya si travis at umalis na sa lugar na yon, "Come on lets go" kailangan mong magpalit ng damit meron akong damit sa locker ko yun muna ang isuot mo hindi ka pwedeng umuwi ng ganyan. Hindi na nagsalita pa si ruby at sumunod na lang kay travis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD