"Hey Cliff bakit hindi ka pumunta kagabi sa party"? bungad ni Ash kay cliff pagkapsok nila ng quarters na medyo hinihikab pa, kasama naman nito si jerome at travis.
"Nasa singapore kasi si papa kaya hindi naka attend, kesa aatend ako don wala naman akong gagawin don, sagot ni. clifford habang pinaglalaruan niya ang hawak na ballpen at nakaupo sa mahabang sofa. "kumusta ang party"?
"Ayos naman nagkita kami don ni saphire, actually nakilala na nga siya ni mama eh, masayang kwento ni asher kay clifford.
"Really? well, thats great! so, payag na siya magpaligaw sayo? Kay travis siya nakatingin habang sinasabi niya yon kay ash, hindi naman malaman ni travis kung anong gustong ipunto ni clifford.
"I dont think so cliff, pero sabi ko naman sa kanya na seryoso ko at wag niya sana ko iwasan.
"Well ash, I think may iba pang dahilan?
"What is it? Hindi pa rin inaalis ni clifford ang kanyang titig kay travis na may kakaibang ngisi. Pinasadahan naman ni travis ng kanyang dila ang kanyang labi at kinagat ito na halatang naaasar na sa mga kakaibang punto ni clifford, buti na lamang at hindi ito napansin ni ash na abala sa pagtipa ng kanyang cellphone. Samanatalang si jerome ay napansin nito ang kakaibang tensyon sa dalawa, alam din kasi nito ang past ng magkaibigan minsan na kasi naikwento ni asher sa kanya ang naging problema ni clifford at travis.
"Nga pala Ash nakita mo na ba yung post ni saphire sa i********: niya? pag-iiba ng usapan ni jerome. Napatingin naman si travis kay jerome at maya-maya'y kay ash naman.
"Not yet bro, wait check ko". Agad agad niya binuksan ang kanyang i********: account para makita ang post ni saphire.
"Woooow!! She's stunning! Hindi maiwasang humanga si ash sa picture ni saphire kung saan suot nito ang gown, na ito din suot kagabi sa party. Nakita naman niya ito kagabi pero mas lalo pa siyang humanga dahil napaka photogenic nito.
"Look travis she's pretty right? pinakita naman nito ang picture ni saphire na hindi naaalis ang ngiti niya sa mga labi.
Nagulat naman si travis sa kung ano ang suot ni saphire, Nanlaki ang mata nito ng maalala ang nangyari noong gabi sa rooftop. Hindi yon ang suot niya, hindi siya maaaring magkamali! Dahil lagpas tuhod ang nakita niyang dress na suot non. Samantalang long gown naman ang nakita niyang suot ni saphire sa post niya sa social media.
"Yeah! tipid niyang sagot.
"I told you"!
"Maganda talaga siya, kaya nga she's a QUEEN BEE" napabaling ulit ang tingin nito kay travis. Iniwasan naman ni travis ang mga kakaibang tingin ni clifford sa kanya. "Nga pala mamaya travis may ipapakita ako sayo"
"What's that? Nagtatakang nakataas ang kilay ni travis na nakatingin kay clifford.
"You'll know later my friend, and you're gonna be surprise!
"Oooow! hindi ba kami kasali dyan ni jerome? may halong pagtatampo naman na sabi ni ash kay clifford.
"It' for travis only! saka na ang sorpresa ko sa inyo after travis. Ngunit kinakabahan naman si travis kung anong sorpresa ang pinagsasabi ni clifford sa kanya.
Grabeeee bakla ang ganda mo dito. jusmiyoooo!! tili ni marky ng makapasok na ko sa aming silid. Tinitignan pala nila ang post ko sa i********: kung saan umattend kami ng party kagabi. Naka red gown ako na may malaking slit sa gilid at hanggang bewang ko ang backless nito kaya litaw na litaw ang kaputian ko. At silver stilleto na 6 inches naman ang taas.
"Si mommy ang bumili niyan pagkauwi nila dito galing ibang bansa, alam mo naman si mommy ginagawa kaming barbie.
"Kaya naman baliw na baliw ang mga kalalakihan sayo dito gurl! si jennica naman na kilig na kilig habang pinapalo palo ang aking braso.
"Aray ko naman jen! kunwari'y nasaktan sa pagpalo ni jennica.
"Balita ko pumunta din si fafa asher sa party"?
"Yes! ung parents niya business associates din nila mom and dad kaya andun din siya.
"E si travis gurl nakita mo don? di ba magkakasosyo yung mga magulang nila sa negosyo pati din yung parents nong clifford?
"I dont think andun siya, hindi ko naman siya nakita don. Habang abala kami sa aming pag-uusap may narinig kaming nagtitilian sa may labas ng pinto ng aming silid. Kaya napatingin kami kung sino ang nasa labas.
"Baka may artista? si marky na curious kaya siya ang unang lumabas. Pagkasilip niya sa may labas siya naman ang nagtitili at dali daling lumapit sa'kin. Hinila niya ang aking kamay at dali dali niya akong dinala sa labas ng aming silid. Nakita kong nakatayo si asher at si travis naman ay nakasandal sa pader malapit sa may pintuan. Maraming estudyante ang nagsilabasan sa kani-kanilang silid para makita ang mga ito na animoy mga artista.
"ibang klase ang isang saphire altamirano"
"sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay saphire, bukod sa mayaman na, maganda at matalino pa"
"Isang asher craig pa ang manliligaw, gosh! pareho silang maswerte at bagay na bagay" isa sa mga naririnig kong usapan nila pagkalabas ko ng aming silid.
"A-anong ginagawa niyo dito s-sa building namin? wala ba kayong klase?
nauutal kong sabi.
"Actually may 15 mins pa kami bago magsimula ang next class namin, si. asher na nakatitig sa'kin. "Kaya ko nandito gusto sana kita iinvite magdinner mamaya? if wala ka din namang gagawin?
"Goooosh bakla! this is it! mukhang magkakaboyfriend ka na! sabay tili ni marky at jennica na nasa likuran ko.
"tseeee!! yayayain lang magdinner boyfriend agad?! irap ko naman sa mga ito.
"Malay mo naman bakla! kung ayaw mo e d sa'kin na lang si fafa asher! Kilig na kilig niyang sabi habang pinagmamasdan ni marky si asher sa aming harapan.
"Aaahm..s-sige wala din naman akong gagawin mamaya" Lalong lumawak ang pagkakangiti ni asher pagkasabi kong iyon. Napadako naman ang tingin ko kay travis na mataman lang na nakikinig sa amin. Napansin kong pinasadahan niya ng dila ang kanyang mga labi kaya mamasa masa na ito at pansin na pansin ang pagkapula ng mga ito. Pinamulahan naman ako ng meron akong maalala. "ang mga labing yun" hindi kaya"? no no no!! hindi totoo yun! that was just a dream! Nagbalik naman ako sa huwisyo ng magpaalam na sila asher. At sinulyapan ko ulit si travis na saktong nakatingin din sa'kin. Tumalikod na din ako baka mapansin pa ng dalawang kaibigan ko ang pamumula ko.
"Bakla nakita mo ba ang mga titig na yon?! si marky na may kakaibang ngiti pagkaharap sa'kin, magkakatabi kami ng upuan at dito kami nakapwesto sa bandang likuran kaya hindi rinig ng mga estudyante ang pinag-uusapan naming tatlo.
"Nino? nakakunot kong tanong sa kanya
"Sino pa ba bakla e d yung isang Fafa! c fafa travis!
"Ano naman?
"Hindi ka man lang kinikilig?
"Para san?
"Ang shunga mo naman gurl! kung sa'kin yun, parehong gwapong lalaki ang nakapalibot sa'kin naku naku baka kanina pa ko nawalan ng malay! si jennica naman habang nakacross arms na nasa kabilang side ko naman nakaupo.
"Bat naman ako kikiligin tumingin lang, nakakakilig na?
"Alam mo ikaw gurl napaka manhid mo talaga kahit kelan!
"Pero may napansin ako kanina bakla ah! bigla akong kinabahan sa mga tingin na yon ni marky, alam kong may pagdududa ang mga tingin na yon. Sa tagal naming magkaibigan alam na alam nila kung may tinatago ako sa kanila.
"A-ano na n-naman yon? hindi ko maiwasang mautal sa harapan nila.
"May something sa inyo ni travis noh?! kasi parang sinusuri ka niya kanina at iba ang mga tingin niya sayo, at eto pa bakla ah, ang tagal niyang nakatingin sa mga labi mo! Anong meron ha? Sabay turo nito sa aking labi sa pamamagitan ng hawak niyang ballpen.
"P-pinagsasabi mo? wala no! iwas ko naman ng tingin sa kanya na kunwari'y may tinitignan sa cellphone ko.
"Sus bakla! Hindi no kami maloloko! kilala ka namin, ultimo sa hininga mo at amoy ng utot mo kilala ko, kaya wag kami!
"Now gurl speak up! nakahalumbaba naman sa mesa ko si jennica at naghihintay ng paliwanag ko. Magsasalita na sana ako nang bigla naman dumating ang prof namin na hudyat na magsisimula na ang klase. Panigurado nitong hindi ako titigilan ng dalawa kong kaibigan hanggat hindi ako nakakapagkwento sa kanila.
MY GOSH GUUUURL IS THAT TRUE?!!!
BAKLA ANG HAROT MO!! HINDI NA PALA VIRGIN YANG LIPS MO! hindi ko na talaga mapigilan ang pagsigaw ng dalawa kong kaibigan, we're here at our favorite coffee shop near at school, mabuti na lamang at wala gaanong tao na kumakain dito. Napapayuko na lang ako dahil sa walang preno ng bibig nitong dalawa.
"Ano ba kayong dalawa, ang sabi ko hindi ko alam kung totoo ba yon okay?! feeling ko lang naman. Kasi parang may naalala ko nung time na nalasing ako na may hinalikan daw ako pero hindi ko alam kung totoo, sabay inom ko ng cold coffee.
"ibang klase ka pa lang malasing bakla ah! nagiging wild, mabuti na lang hindi sa bar mo yon ginawa kung hindi baka wakwak na yan!
"Ang bastos mo marky ah! saway ko naman dito na ikinatawa nilang dalawa.
"Naku gurl kaya ibang makatitig sayo si travis kasi alam niya yung kagagahang ginawa mo! Bakit naman kasi hindi mo matandaan. Just ask him if its true? Nanlaki naman ang mata ko sa tinuran ni jennica.
"Baliw ka na ba jen?! Hindi pa sira ang ulo ko para itanong sa kanya yon no! at baka mapahiya pa ko kung hindi naman totoo.
"E d halikan mo ulit pag masarap humalik ibig sabihin totoo nga! seryosong wika naman ni marky na ikinasamid ko. Minsan talaga walang magandang maidudulot ang mga suggestion ng baklang to eh, binato ko na lang siya ng tissue sa sobrang inis.
"Its just a dream okay? imposible namang totoo yon,
"Basta bakla gawin mo yung sinabi ko sayo kung gusto mong malaman ang totoo.
"Ewan ko sayong baklita ka! inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. Samantalang panay naman ang tawa ng dalawang siraulo kong kaibigan.