CHAPTER 12

1377 Words
TRAVIS POV Pinipilit ako nila mama at papa na pumunta sa isang party para sa isang business. Gusto na nilang matutunan ko ang pagmanage ng business at para maipakilala na din ako sa mag business partners nila. Ayaw ko pa sanang sumama pero ng banggitin ni papa na sa Amore Hotel gaganapin ang party bigla akong nabuhayan. Kilala ko ang may-ari ng hotel na yon, Pagmamay-ari yon ng mga altamirano at tiyak pupunta sa party si saphire. Pero hindi pa din ako nakakasiguro, Kaya napapayag na din ako. Gusto ko siyang makita pero wala akong lakas ng loob para lapitan at kausapin siya. Nasa Amore hotel na kami at hinahanap ng paningin ko si saphire ngunit hindi ko pa siya makita, "pupunta kaya siya"? "Sana kasama siya kahit man lang masulyapan ko siya ayos na sa'kin" Maya maya pa'y may biglang umakbay sa'kin. Si asher na nakangiti sa akin. "Bro, kala ko ayaw mong sumama ano nangyari"? tumikhim muna ko bago nagsalita. "Pinilit ako nila mama at papa" "Buti napilit ka nila tito at tita"? Kasi pag ayaw mo hindi ka talaga mapipilit" bahagya siya ngumiti at saka uminom ng alak. Umiinom kami ni asher habang nag-uusap sa may bandang malaking bintana at kitang kita ang mga city lights dito. "So you're courting saphire? Tanong ko habang nakatingin sa mga city lights. "Yes! Balak ko nga din siyang ipakilala sa parents ko kahit na nililigawan ko pa lang siya. Bahagya akong nalungkot sa kanyang sinabi. Asher is my friend at ang masama pareho kami ng babaeng gusto. "Kaso lang bro masyado siyang ilag eh, Alam mo yung hindi talaga siya interesado. "Manhater nga ang turing sa kanya di ba? Sabay lagok ng beer na hawak ko. "But bro I'm not going to give up, seryoso ko kay saphire tulad ng sabi ko hindi ako susuko kahit na ilang beses pa niya ko bastedin. I see it in his eyes that he's sincere and serious. Nakailang bote na ko ng alak at medyo nakakaramdam na ko ng hilo pero hindi ko pa din makita yung gusto kong makita siguro ay sa lawak din nitong pinagdausan ng party kaya naglakad lakad muna ako sa loob ng hotel. Hanggang sa dinala ako ng aking mga paa sa rooftop. Napaka tahimik ng paligid. Madilim sa aking kinaroroonan at tanging sinag lang ng bwan ang nagsisilbing liwanag. "Siguro kailangan ko ng itigil tong nararamdaman ko kay saphire, hindi ko pwedeng maramdaman ito lalo na't gusto din siya ni Asher". Nagpakawala ako ng buntong hininga. Naramdaman ko na parang may nakatingin sa bandang tabi ko. Nakita ko ang isang babae sa gilid ko na hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Kinikilala ko kung sino ito, nagbaba siya ng tingin at di nagtagal ay tumingin siyang muli sa akin. "Parang si saphire" sabi ko sa aking isip. Unti unti akong lumapit sa kanya, ngunit bawat hakbang ko siya namang pag-atras nito. Hanggang sa lumapat na ang likod nito sa isang pader. Tinitigan ko itong muli, "Pareho sila ng mata ni saphire". Hindi ko maaninag maigi ang kanyang mukha dahil may kadiliman sa lugar na yon. Pero nasisiguro kong mata iyon ni saphire. "You're avoiding me huh"? Hindi pa rin siya nagsasalita. "Did you already remember it what happened? "ah, gusto mo bang ipaalala ko sayo"? "A-anong---? Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa niya, nang bigla ko siyang halikan. Pero parang may mali. Her scent is different. She has a natural scent. And saphire has a sweet scent. I tried to move my mouth to her, she's not responding with my kisses. At ilang minuto pa'y itinulak na lang niya ako at umalis na lang bigla. She's not saphire, "but who is that girl that I'm kissing? Base na rin sa mga halik ko, nasisiguro kong hindi siya yon. Pero ang mga matang yon pareho ng kay saphire. O baka naman naghahalucinate lang ako dala ng alak. "f**k! ganon na ba talaga ko kabaliw sa kanya?! SAPHIRE POV Nabobore na ako dito sa aking kinauupuan, mag-isa lang kasi ako dito sa mesa at sina mommy at daddy naman kausap pa rin ang mga business associates nila. Nagpasya akong tumayo na muna at hanapin si ate ruby, ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Sa aking paglalakad ay may isang may edad na babae ang tumawag sa aking pangalan. Napalingon ako para harapin siya. Kahit na may edad na ay hindi makakailang maganda pa din ito, maganda din ang hubog ng katawan makinis na balat at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi habang papalapit sa akin. "Hi Hija" bati niya sa kin ng nakangiti "Hello po" "Ako nga pla si Melissa Craig" Craig? mama ba siya ni asher? "Saphire Altamirano po" sabay beso niya sa'kin "May ipapakilala pala ako sayo hija" nagpalinga linga muna siya at nang makita na niya ito ay bigla niya ito tinawag sa aking likuran. "Ayan na pala siya" hijo come here" at ng makalapit na siya'y sabay pa kaming nagulat. "Hija siya ang anak ko. Ashton craig meet ms. saphire altamirano" "I know her mom" "Really anak"? "Yes mom pareho kami ng school but different course" Nakangiting paliwanag niya sa kanyang ina. "E paano kayo nagkakilala? "Everyone knows her mom, and im the one who introduce myself. "O siya magkakilala na pala kayo at maiwan ko na muna kayo ha? Saphire, hija nice meeting you. "Nice meeting you din po mrs. Craig" "Don't call me that just call me tita" Bigla akong nahiya sa sinabi ng mama ni asher. "A-aah sige poh tita" Pagkuwa'y nagpaalam na din siya at naiwan na lang kaming dalawa ni asher. "You look beautiful tonight" "Ah thanks! saglit na katahimikan at napansin niyang balisa ako at may hinahanap. "You're looking for someone"? "H-haa? aaahmm.. "Hindi niya nga pala alam na kasama ko ang ate ko. "s-sina Mom and Dad" palusot ko na lang sa kanya. "I think I saw them in that area" sabay turo niya malapit sa mga buffet. "ah I see" "Saphire, tawag niya sa'kin na tila may gustong sabihin. Nakatitig lang ako sa kanya at hinihintay siyang magsalita "If you dont mind if I go to your house you know, para pormal na manligaw sayo? Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. "Aaahm...ano kasi ashton eh… "It's okay saphire kung hindi ka pa pwede, I understand. Pero sana hindi mo ako iwasan pag nasa school. I really like you saphire. Okay na sa'kin ang nakakasama ka sa school, nakakausap at nakikita. I know you're not used to it, pero sana pagbigyan mo ako, to prove to you that I'm sincere. Seryoso siyang nakatingin sa'kin habang sinasabi ang mga katagang yon. Ngumiti ako sa kanya senyales ng pagtugon ko. Ayoko din naman siyang bastusin, He's nice, at walang dahilan para layuan ko siya. "pagkatpos ng pag-uusap naming yon, nagpaalam muna ako sa kanya na magbabanyo lang saglit. Pero ang totoo niyan hahanapin ko si ate ruby. Lumabas ako ng Kung saan dinadaos ang party ang naglakad sa mahabang hallway baka sakaling makita ko siya. At hindi nga ako nagkamali, nakita ko si ate na lakad takbo siya na para bang kinakabahan. Sinalubong ko naman ito at tinanong. "Ate ruby saan ka ba nanggaling kanina pa kita hinahanap eh" "Huuh? aaahm..dyan lang, nag-ikot ikot lang ako sa tabi tabi "Ate okay ka lang ba? bakit parang nanginginig ka? "Pasensya ka na sis medyo sumama kasi yung pakiramdam ko eh" "Gusto mo bang umuwi na tayo? "Kung pwede sana? "Sige ate tatawagin ko na sina dad sa loob, antayin mo na lang ako dyan. Iniwan ko na muna siya at nagpaalam kina mommy at daddy sinabi kong mauna na kami ni ate, nagdahilan na lang ako na maaga ang pasok namin bukas, hindi ko na lang sinabi na sumama ang pakiramdam ni ate dahil baka mag-alala lang sila, ayoko namang iwan nila ang mga bisita muna nila ng hindi pa natatapos ang party. Nakasakay na kami sa aming sasakyan ng mapansin ko si ate na parang namumula at kagat kagat niya ang kanyang labi. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito, baka masama lang talaga ang pakiramdam niya. Painumin ko na lang siya ng gamot pagkauwi namin sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD