MOM! DAD"! sabay sila ni saphire at Ruby na yumakap sa kanilang magulang pagkapasok nila ng bahay, nasa sala ang mga ito at hinihintay ang pag-uwi ng kanilang mga anak. Hinalikan naman ng daddy nila si Saphire at Mommy naman nila si Ruby. Masayang masaya ang mga ito ng makauwi na ang kanilang mga magulang isang bwan din nawala sa pilipinas ang mga ito at nagtungo sa ibang bansa para asikasuhin ang business nila doon.
"So how's my beautiful daughters"? masayang bati ng ama nila at naupo sa mahabang upuan katabi ang ina nila.
"We're okay dad and we miss you so much"! what it takes you so long"? May halong pagtatampo na sagot ni Saphire.
"I'm sorry bunso nagkaproblema kasi sa kumpanya kailangan pa namin asikasuhin bago kami umuwi ng mommy mo.
"Thats right hija, kaya wag ka ng magtampo sa'min ng daddy mo. Para hindi na kayo magtampo ang dami naming binili sa inyo ng ate mo na pasalubong" sabay kuha ng mga paper bags na halos mapuno na ang sala sa dami nito.
"Mommy bakit sobrang dami naman po ata niyang pinamili mo"? Si Ruby na nanlaki ang mga mata sa dami ng mga pinamili ng mommy at daddy niya. Ganito ang mga magulang nila sa twing pupunta ng ibang bansa at uuwi naman ng pilipinas ay palaging may bitbit na pasalubong sa kanilang magkapatid, ayun nga lang ay mas marami ngayon kaysa noon.
"Okay lang yan hija meron din naman kasi kami ng daddy mo dyan, may mga gown din akong binili dahil aatend tayo mamayang gabi ng party" Nakangiting baling ng mommy nila sa dalawang anak.
"Party? para san naman po? nagtatakang tanong naman ni saphire at nagkatinginan sila ng ate ruby niya.
"party yon ng company natin mga anak pupunta din ang mga investors natin don, magkakaron din kasi tayo ng branch sa ibang lugar" Paliwanag naman ng kanilang ama
"Eto saphire binilhan kita ng mga make-up at saka mga damit at sapatos bagay na bagay sayo yan anak" inabot naman ni saphire ang mga paper bags na bigay ng. kanyang mommy.
"Mom hindi naman po ako ngmamake up eh, hindi ko naman to magagamit.
"Magagamit mo din yan balang araw anak, lalo na kapag ngka boyfriend ka na" Nakangiti at may halong panunukso na sabi ng mommy niya.
"Mom wala pa ko balak magkaboyfriend"
"See honey"? ayaw pa ng anak natin, at ayoko din na magkaboyfriend pa sila dapat ako muna ang love nila, May halong selos na turan ng daddy nila na siyang ikinatawa nilang lahat.
"Don't worry dad ikaw lang ang boyfriend namin ni ate, right ate Ruby"? Tumango lang ang kanyang ate bilang pagsang-ayon. At niyakap nilang dalawang magkapatid ang kanilang ama
"Ang unfair naman paano naman ako"? hindi ata 'ko love ng dalawang prinsesa ko"? nakanguso at nakacross arms na sabi naman ng mommy nila na nakatingin sa mag-aama. Tumawa naman ang tatlo sa inasal nito na parang bata na nagtatampo.
"Halika nga dito honey at gagawa tayo ng baby brother nila para hindi ka nagseselos" Nanlaki naman ang mata ng asawa niya sa sinabi nito at pinalo palo siya sa braso.
"Ano ka ba naman arthuro nakakahiya sa mga anak mo kung ano ano lumalabas sa bibig mo"! Tawa lang sila ng tawa dahil sa pinggagawa ng mommy at daddy nila, para silang mga teenager mag-asaran. Kung tutuusin ay napaka swerte nilang magkapatid sa magulang dahil sa kabila ng pagiging abala ng mga ito sa kanilang business ay ni minsan hindi nila pinaramdam sa kanila na wala silang oras sa kanilang magkapatid.
Inaayusan naman ni Saphire ang kanyang ate dahil sa dadalohan nilang party ngayong gabi. Nakasuot ito ng isang tube dress na kulay asul na lagpas tuhod ang haba naka taas ang mahabang kulot na buhok, three inches lng ang sinuot nito na heels, tinanggal din nito ang eye glasses para bumagay sa kanyang itsura. Light makeup lang ang inilagay ni saphire sa kanyang kapatid.
"My god ate ang ganda mo"! masayang puri niya kay ruby matapos niyang ayusan. Kumurap kurap pa si ruby na hindi makapaniwala sa kanyang itsura
"ako ba talaga ito sis"?
"Oo ate ikaw nga yan" Teka ate parang mas maganda ka ata sa akin ngayon"? biro naman ni saphire na ikinangiti ni ruby.
"Mas maganda ka pa din saphire"
"No ate, pareho tayong maganda" sabay silang tunmawa, at nagpasya na din silang bumaba pagkatapos nila mag-ayos.
"Wow! ang gaganda naman ng mga prinsesa ko" tuwang tuwang sabi ng kanilang ina nang makababa na sila at nasa sala ang mga ito. "Mapagkakamalan kayong kambal niyan mga anak dahil pareho kayong maganda at magkamukha talaga kayo lalo na pag nakaayos ka ruby" Pinamulahan naman si ruby sa sinabi ng ina.
"Maganda ka kasi honey kaya maganda din ang mga anak natin"
"sus bolero, tara na nga" tara na nga
"Lets go" yaya ng kanilang ama.
Nakarating sila sa hotel kung saan idadaos ang party, pagmamay-ari ng mga magulang nila ang naturang hotel.
Pagkapasok nila bumungad kagad sa kanila ang receptionist at binati sila. Sumakay sila ng elevator at nagtungo sa sixth floor kung saan ang party. Nang makarating na sila binati kaagad sila ng mga kakilala ng daddy at mommy nila na wari nila ay business partners at mga investors ng mga ito. Marami din ang pumuri sa kanilang magkapatid, katulad ng sabi ng mommy nila napagkamalan nga silang kambal. Nasa isang table sila ni saphire at ruby at ang daddy at mommy naman nila ay kausap ang ibang mga business partners ng mga ito sa di kalayuan sa pwesto nila. Nagpaalam muna si Ruby kay saphire na lalabas na muna at pupunta lng ng banyo.
"Sis dito ka lang muna ah mgbabanyo lang ako"
"Samahan na kita ate" tatayo na sana si saphire ng pigilan siya ni ruby.
"Wag na sis okay lang ako kaya ko na baka hanapin din tayo nila mom and dad eh".
"o-okay, bilisan mo ah"? tumango lamang si ruby at naglakad na papuntang CR. Pumasok siya sa isang cubicle, at maya maya may marinig siyang tinig ng dalawang babaeng nag-uusap. Hindi muna siya lumabas at pinakinggan muna niya ang mga ito.
"Nakita mo ba yung mga anak nila mr and mrs altamirano"? tinig ng isang babae na sa tingin niya ay medyo may edad na.
"Oo nakita ko kanina, grabe ang gagandang mga bata" maganda at gwapo din naman kasi ang tatay kaya maganda din ang bunga"
"Yung isa gusto ko siyang ipakilala sa aking unico hijo ko" bagay na bagay silang dalawa" masayang wika ng isang may edad na babae.
"Sino don"?
"Yung naka kulay pulang dress na nakalugay ang buhok"
"Ah oo maganda nga siya, at bagay nga talaga sila ng anak mo"
"o siya tara na at ng maipakilala ko na siya sa aking unico hijo" Nang makalabas na ang dalawang babae ay saka lamang siya lumabas ng cubicle.
At humarap siya sa malaking salamin at sinuri ang sariling repleksyon.
"Maganda daw ako"? ngayon lang ako nakarinig ng ganoong papuri na kailanman ay hindi ko narinig sa iba" pwera na lang ang aking mga magulang at si saphire na palaging sinasabing maganda daw ako". At si__ biglang naputol ang kanyang pag-iisip ng maalala niya ang sinabi sa kanya ni travis. Napangiti siya ng maalala ang sinabi ni travis na maganda siya.
Hindi muna bumalik si ruby sa party, sa halip ay umakyat muna siya sa rooftop ng hotel para magpahangin, wala din naman kasi siyang hilig sa mga ganoong okasyon. Nasa isang madilim na sulok siya at tanging bwan lamang ang nagsisilbing liwanag nito. Nakahalukipkip siya dala ng malamig na hangin na dumadampi sa kanyang balat at mataman na nakatitig sa bwan. ilang minuto pa ay nakarinig siya ng isang malakas na buntong hininga na malapit lang sa kinaroroonan niya. Nilingon niya ito ngunit hindi niya maaninag ang itsura nito dahil nababalutan sila ng dilim sa pwestong yon. Pinakatitigan niyang mabuti ito, may hawak hawak itong isang bote ng beer at ang isang kamay ay nakalagay sa bulsa ng pantalon nito. Sa tingin niya ay mukhang malalin ang iniisip ng lalaki. Maya maya pa ay biglang lumingon ang lalaki sa gawi niya kaya napaiwas siya ng tingin. Medyo kinakabahan na din siya dahil ng muli niya itong lingunin ay nakitingin pa rin ito sa kanya, "Ano bang problema ng lalaking ito bakit nakatingin pa rin siya sa"kin"? At ang mas ikinagulat niya ay ang unti unti nitong paglapit sa kanya, kaya naman bawat hakbang ng lalaki ay napapaatras siya. Napahinto lamang siya ng sumayad ang likod niya sa malamig na pader ay siya ding paghinto ng lalaki sa paglapit. Napalunok siya ng tatlong beses dulot ng matinding kaba at namamawis na din ang kanyang mga palad. Tinitigan niya muling maigi ang lalaki at laking gulat niya ng makilala niya ang ito. Kahit may kadiliman ay kilala niya ang imahe nito pati ang amoy ng pabango nito. Napababa siya ng tingin dito natatakot na bigla siyang makilala nito. Ikinagulat niya ng bigla itong magsalita na tila lasing na sa paraan ng pagsasalita nito.
"You're avoiding me huh"? Napatingin akong bigla sa kanya, "Nakilala na niya ba ako" tanong ko sa aking isip.
"Did you remember it already what happened"? "Anong ibig niyang sabihin? hindi ko maintindihan.
"Ah, gusto mo bang ipaalala ko sayo"?
"A-anong? ___Hindi na naituloy pa ang sunod na sasabihin ni Ruby ng bigla na lamang siya nitong halikan. Napamulagat siya at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya'y nanuyot ang kanyang lalamunan at anumang oras ay bibigay na lamang ang kanyang tuhod kung hindi lamang siya napahawak sa magkabilang braso ng lalaki. Naramdaman niyang biglang gumalaw ang mga labi nito at banayad na siyang hinahalikan na lalo niyang ikinagulat. Nang hindi niya tinutugon ang mga halik nito ay napahinto ang lalaki at hinarap siya na wari niya'y sinusuri ang mukha niya. Tinulak niya ito palayo sa kanya at dali dali siyang umalis sa lugar na yon. Mabuti na lamang at hindi siya sinundan nito. Nagmamadali siyang pumunta kung saan ginaganap ang party nang bigla niyang makasalubong si saphire sa hallway.
"Ate Ruby saan ka ba nanggaling kanina pa kita hinahanap eh" nag-aalalang salubong niya kay ruby pagkakita dito.
"huh? aahm, dyan lang nagikot ikot lang ako sa tabi tabi.
"Ate okay ka lang ba bakit parang nanginginig ka"? sabay hawak nito sa kamay ng ate niya.
"Pasensya ka na sis medyo sumama kasi ang pakiramdam ko eh" pagdadahilan na lamang niya sa kapatid.
"Gusto mo na bang umuwe na tayo"
"K-kung pwede sana"
"Sige ate tatawagin ko na sina dad sa loob antayin mo na lang ako dyan" iniwan muna ni saphire si ruby at tinawag ang kanilang mga magulang para umuwe.
"Anong ginagawa ni travis dito"? at bakit niya ko hinalikan? naguguluhang tanong ni ruby sa kanyang isip. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya. Hindi pa rin niya maintindihan ang ibig sabihin non ni travis, siguro ay lasing lamang ito kaya nangyari yon. Sa pagiisip niyang iyon, hindi niya namalayan na hawak na pala niya ang kanyang labi. Ang unang halik niyang si. TRAVIS!