FRIENDS

919 Words
"O ano na gurl? our ears are ready! ang tinutukoy ni jennica ay yung inaantay nilang paliwanag ko. Nasa canteen kami ngayon dahil breaktime namin, nasa harapan ko silang dalawa at at nakatingin lang sa kin habang kumakain ng sandwich nila. "Aaahm ano kasi eh! nagpalinga linga muna ko tinitignan kung nasa paligid ba si travis o di kaya mga kaibigan nito. "kasi nong gabi… "ano kasi! inuwi ako ni ano… "Ano ba yan bakla! sabihin mo na kasi! naiiritang sabi ni marky dahil sa paputol putol kong wika sa kanila. Lumapit ang mukha ko sa kanila ng bahagya para ibulong sa kanila. "Kanila Travis ako natulog" wala ng paligoy ligoy kong sabi sa kanila. "W-WHAAAAT???! Sabay pa silang napatayo na gulat na gulat kaya naman nakuha namin ang atensyon ng ibang estudyante na napahinto pa sa pagkain. "Ah eh s-sorry naman! Sige lang kain lang kayo dont mind us" sabi ni marky sa mga nakatingin sa kanilang estudyante na nagtataka. "Gurl pano nangyari yun? takang tanong ni jennica "Ang landi mo bakla ah! pano na si fafa asher? saka Daks ba bakla?--aaaray naman! "Jen ang sakit ah! sa may biceps ko pa talaga ka mangungurot?! sabay himas sa kanyang braso. "Tumigil ka nga sa kalandian mo hindi naman ganon si saphire noh! "E malay mo naman noh" sabay irap at sumipsip ng frappe si marky. "Teka nga muna gurl pano ka napunta sa bahay ni travis? Kinwento ko lahat lahat kung pano ako napunta sa bahay niya, gulat na gulat sila at panay ang tili ng dalawa nung malaman nila. "Alam mo gurl feeling ko talaga may gusto sayo yang travis na yan eh" "Oo nga bakla kasi base na rin sa tingin niya sayo kanina eh! malagkit pa sa Ano mo! Sabay turo sa ibabang bahagi ko. "Tseee! ewan ko sayo marky! irap ko sa kanya at hinilot ko ang sentido ko. "Pano nga kung ganon gurl? e di ba liligawan ka na daw ni Asher? tpos pano pag nalaman pa yan ni asher na dun ka natulog sa bahay nila travis, naku gurl baka magka tsunami if ever! Sabay kumpas ng kamay ni jennica sa ere. "Hindi ko hahayaang guluhin nila ang tahimik kong buhay no! "Ang kaso nga bakla desidido si fafa asher sayo, kahit ilang beses mo pa raw siyang bastedin hindi daw siya susuko. I sighed what marky said. "Ibang klase kasi ang beauty mo bakla makamandag! "Trulaley! sabay apir pa ng dalawa kong kaibigan. "Ewan ko sa inyo! sabay tayo at iniwan ko sila na natatawa. "Hoy bakla wait for us!! sumunod na din ang dalawa kong siraulong kaibigan. At dahil wala naman akong kaibigan at kasama kumain, pumunta na lang ako sa likod ng university kung saan ko nakita na lagi nakatambay si travis. Pagkarating ko dun wala siya, siguro may klase pa. Umupo ako sa may ilalim ng puno at kinuha ang baon kong cookies at inumin. Tahimik kong kinakain ang baon ko, nang hindi ko namalayang may tumabi na pala sa akin. "Ba't nag-iisa? Bigla akong napalingon ng may magsalita sa tabi ko. "Ah, t-travis i-ikaw pala. "A-anong ginagawa mo dito? nauutal kong tanong sa kanya. "Dito kaya ako lagi" inagawan mo nga ako ng pwesto eh" nakanguso niyang sabi. "P-pasensya na sige aalis na ko" Tatayo na sana ko ng bigla niyang hawakan ang pala pulsuhan ko. "No, dito ka lang hindi naman kita pinapaalis eh, binibiro lang kita, nakangiti siyang sinabi sa'kin "Ba't ang gwapo niya? lalo na pag nakangiti? hinawakan ko ang aking dibdib, para itong nangangarera sa bilis ng t***k nito. Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang tumingin. din sa'kin. "Wala ka bang mga kaibigan dito kahit isa? "W-wala eh" malungkot kong wika at yumuko at nilaro laro ang aking daliri. "Alam mo naman siguro kung bakit di ba? "You know what? you're beautiful" Nagulat ako sa sinabi niyang yon at napatitig ako sa kanya, saglit kaming nagkatitigan at ako na rin ang nagbaba ng tingin. "A-ano ka ba? bulag ka na ba? sabay tawa ko ng mapait. "Don't belittle yourself" kaya hindi mo nakikitang maganda ka kasi hindi ganon ang tingin nila sayo" nahiya ako bigla at namula pagkasabi niyang yon. "t-talaga bang maganda ko"? "hmmmn" tipid nyang sagot sa akin. "at dahil wala kang kaibigan, I can be your friend, or bestfriend if you want?? "ha?! Ano ka ba hindi tayo pwede maging magkaibigan. mahina kong sabi sa kanya sapat lang para marinig niya. "At isa pa lalo akong aawayin ng mga admirers mo" Natawa siya ng bahagya pagkasabi ko non. "E d secret friendship! parang ganito nakakapag-usap tayo ng tayo lang wala nakakakita at nakakaalam na magkaibigan tayo" saglit akong nagisip sa sinabi niya, "Okay sige, "So friends? inilahad niya pa ang kamay niya sa akin na patunay na tinatanggap ko na maging kaibigan siya. Kinuha ko naman ito at tipid na ngumiti sa kanya. "yes friends"! Lumipas pa ang ilang araw na ganon kami. Lagi nagkikita sa likod ng university, sa totoo lang gusto ko lagi siya nakakausap, dahil sa kanya gumagaan ang loob ko. Hindi na din ako masyado nabubully ng mga estudyante dahil kapag nakikita niya akong binubully ng ibang estudyante pinagbabantaan niya ito kaagad, kaya laking pagtataka naman ng iba kung bat ganon na lang daw niya ko ipagtanggol. Sa ilang araw naming laging naguusap sa tambayan niya hindi ko namamalayan na meron na palang isang taong nakamasid na pala sa amin. "So, she's the reason why your being like this huh?! you damn travis!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD