Nang makarating ako sa isang exclusive subdivision kung san nakatira ang kaibigan ni saphire na si marky, hinanap ko kaagad ito. Mabilis ko naman ito nahanap dahil kilala din pala ang pamilya nito dito. Dahil ang mga magulang niya ay isang business tycoon kaya malabong hindi sila makilala kaagad. Pinapasok naman ako kagad ng guard nila, pagkapasok ko ng sala nila agad ako sinalubong ni marky na nagalalang mukha. "Ano na ate ruby nakauwi na ba siya? Umiling lamang ako, pinaupo niya muna ako.
"tinawagan ko siya kanina bago pumunta dito pero out of coverage pa eh. Naluluha kong wika.
"Ano ba namang babae na yon! san ba nagpunta yong lukarit na yon? baka nagtanan na yon ate anung gagawin natin juskoooo!! tili naman ni marky na pabalik balik ang lakad,
"Pano magtatanan yun marky wala nga siyang boyfriend ayaw nga niya magpaligaw eh! sabay irap ko sa kanya, "bakit ba kasi siya nawala? di ba magkakasama kayo kagabi?
"si jen kasi ate nasusuka daw sinamahan ko muna siya sa banyo, sinabihan ko naman siya na sasamahan ko si jen, pagbalik namin wala na siya, hinalughog n nga namin kasulok sulukan ng bar hindi pa namin siya makita.
Napabuntung hininga na lang ako, at maya maya pa'y nagpasya na ako umuwe baka nakauwe na din si saphire.
Pagkapasok ko sa aming bahay nakita ko si saphire na kagagaling ng kusina nilapitan. ko kaagad siya at niyakap. "My god sis! where have you been?! alam mo bang kagabi pa ko nagaalala sayo? kami ng mga kaibigan mo kung saan ka nagpunta! pasigaw kong bungad sa kanya at kumalas sa pgkakayakap ko para tignan siya.
"S-sorry ate, sa hotel na ko nagpalipas kasi hindi ko na din kaya magdrive. sorry talaga kung nagalala ka. Akala ko kasi iniwan na ko nila marky kaya umalis na din kagad ako.
"Bakit hindi ka nagpahatid dito sa bahay?
"lobat na din kasi ang phone ko hindi kita matawagan, baka maistorbo ko lang ang tulog niyo.
"Wag mo ng uulitin yun ah, mamamatay ako sa pagalala sayo eh"
"Oo na po ate" natatawa niyang sabi sabay yakap sa kin.
"Nga pala sinabay ako kanina ni travis nung pupunta ako kanila marky.
"W-what!? N-nagkita kayo? Gulat niyang tanong, "S-san kayo nagkita ate?
"palabas na kasi siya ng subdivision may hinatid daw siyang kaibigan malapit dito.
"A-aah, un lang?
"Oo bakit may iba pa ba?
"Wala ate sige akyat na ko, inaantok pa kasi ko eh. tumango lamang ako sa kanya at umakyat na din si saphire sa kanyang kwarto.
Humiga kaagad ako sa aking kama at tumingin sa kisame, "Hindi ko pwede sabihin kay ate na dun ako natulog sa bahay nila travis, mabuti na lang at hindi niya nahalata na nagsisinungaling ako. Ang problema ko ang mga kaibigan kong. abnormal lalong lalo na si marky, alam na alam pa naman nun kung nagsisinungaling ako" napatakip ako ng aking unan sa mga isiping yon, "bahala na bukas sabi ko sa aking sarili. At bigla akong may naalala na hindi ko mawari kung panaginip lamang ba iyon, meron daw akong hinalikan hindi ko lang makita ang kanyang itsura. Pero parang totoo, No! imposible yun! bigla akong napapikit ng mariin na pilit inaalala ang mga nangyari. "my gosh saphire!! paano ka naging wild??! kasalanan ng pesteng alak to eh! sigaw ko sa aking isipan.
Pagkapasok ko pa lang sa gate ng aming university nakita ko sila jennica at marky na alam kong hinihintay ako, bigla akong kinabahan alam na alam ko kasi na tatadtarin ako ng mga tanong ng mga ito. Pilit kong pinakakalma ang aking sarili para lang hindi ako mahalata ng dalawa.
"Hi! masayang bati ko sa kanila nang makalapit na ako.
"Naku bakla wag mo kami may Hi hi dyan ah! nanggigigil ako sayo! Akmang kukurutin pa ako sa singit na siyang ikinaiwas ko, nauna naman akong maglakad sa kanila papasok at nakasunod naman sila sa'kin.
"Now tell us gurl saan ka natulog kagabi at sinong kasama mo? Nakataas ang isang kilay ni jennica at seryosong nakatingin sakin habang inaantay ang isasagot ko. "at dumating na nga ang kinakatakutan ko hindi talaga ko makakapagsinungaling sa kanila basta basta, sa isip ko.
Nang hindi kaagad ako makasagot si marky naman ang nagsalita. "We"re waiting for you explaination bakla now speak up! I cleared my throat first.
"Sa hotel" nagtaxi na lang ako kasi sobrang lasing ko eh, saka isa pa tulog na din sila ate hindi ko na matawagan para antayin ako lowbat na din yong cellphone ko. Pilit kong pakalmahin ang aking sarili para lang hindi magbuhol buhol ang sasabihin ko.
"bakla, kilalang kilala ka na namin from head to foot, ultimo utot mo alam na alam ko ang amoy! kaya wag kami bakla
"E2 na nga ba eh, kahit anong palusot ko wala talaga mabubuking ako ng mga ito.
"Saka gurl hindi ka pumupunta ng hotel na magisa ka lang" si jennica naman sabay ngisi sa kin. Magsasalita pa sana ako ng makita kong makakasalubong namin sila Asher at Travis kasama yung dalawa pa nilang kaibigan na si walter at jerome. Sobra sobra ang kaba ko ng masilayan si travis na nakatingin din sa akin, umiwas na lang ako ng tingin, lalo pa ng huminto sila sa aming harapan.
"Hi saphire! bati ni asher
"Bakit si saphire lang? kunwaring nagtatampo si marky.
"A-aah sorry! Hi din sa inyong dalawa, nahihiyang bati ni asher sa dalawa na napakamot pa ng batok.
"Hello fafa Asher! pakurap kurap na bati ni marky. "ampopogi naman ng mga kasama mo fafa asher! kilig na pa ang baklita.
"ah siya nga pala si travis, walter and jerome mga kaibigan ko. Isa isa silang nakipagkamay sa'min, at ng si travis na ang makikipagkamay nakatitig siyang maigi sa akin, at kinuha ko ang kamay niya at binawi din, hindi pa din niya inaalis sa kin ang pagkakatitig niya, nabaling lang ang atensyon niya kay asher ng magsalita siya at akbayan.
"Siya yong palagi kong kinukwento sayo bro" sabay tingin sa kin ni asher na. siyang kinailang ko.
"Nililigawan mo na ba ang friend namin? si jennica…
"yes!! Starting today liligawan ko na siya, Nagtitili naman ang dalawa kong kaibigan sa sinabing yon ni asher,
"Ayiiiiie!! Grabe ka fafa asher ah! sabay hampas ni marky sa braso ni asher.
"Pumayag na ba ko na ligawan mo? mataray kong sabi sa kanya.
"Kahit hindi ka pumayag manliligaw pa din ako, at kahit na bastedin mo pa ako ng ilang beses hindi pa rin ako susuko Saphire" walter and jerome were amazed about what asher said and their mouth turned into O. Habang si travis ay walang emosyong nakatingin lamang sa malayo.
"O siya tara na mga bakla baka himatayin na ko dito sa sobrang kilig, Marky smiled to asher,
"At saka gurl hindi pa tayo tapos mgkukwento ka pa kung san ka natulog kagabi! bigla naman kaming nagkatinginan ni travis sa sinabing yon ni jennica, at sabay hila sa kamay ko papalayo sa kanila.
"sige mga pogi bye! pahabol na paalam ni marky at saka sumunod na din sa amin ni jennica.