TRAVIS POV
Pauwi na sana kami ni jerome ng makita ko si saphire na mag-isa na dance floor. Hinagilap ng mata ko kung nasan ang mga kaibigan niya, pero hindi ko ito makita, "asan ang mga kaibigan niya bakit iniwan siyang mag-isa? tanong ng isip ko. Maya maya pa ay nakita kong may lumapit sa kanyang isang lalaki at hinapit ang kanyang baywang, at pilit siyang isinasayaw, nagpupumiglas si saphire para makawala sa lalaki. Pinauna ko ng umalis si jerome nagdahilan na lang ako sa kanya na may nakita akong isang kakilala, buti na lang at hindi na siya nagtanong pa at umalis na. Agad kong nilapitan si saphire dahil alam kong binabastos na siya nung lalaki.
Tinulak ko kagad yong lalaki at hinapit sa baywang si saphire. "f**k off"! dont you ever touch my girl or else I will beat you to death"! pagkasabi ko non ay hinila ko na si saphire palabas ng bar, hindi ko na hinintay pa siyang magsalita dahil alam kong nagulat din siya sa ginawa ko. Pinagbuksan ko kagad siya ng pinto ng kotse ko at pinasakay siya, at pumunta na din ako sa driver seat. Nang papaandarin ko na ang sasakyan ko bigla siyang nagsalita.
"I need to go back" malumanay niyang sabi habang nakatitig sa'kin.
"Why? because of that f**king guy?
"because of my friends! magsasalita pa sana siya ng bigla na lang siya sumuka ng walang pasabi. Inabot ko sa kanya ang panyo ko, kinuha naman niya kagad at saka sumandal at saka pumikit.
"You need to rest" and you're already drunk. Pinaandar ko na kagad ang aking sasakyan para umalis sa lugar na yon.
Sa bahay namin ko siya dinala dahil hindi ko naman alam kung san siya nakatira, mabilis kong pinark ang aking sasakyan, nang tignan ko siya himbing na himbing na siya sa pagtulog kaya hindi ko na din siya ginising, binuhat ko na lang siya papasok sa aming bahay at dinala ko sa aking kwarto. Tinawag ko ang isa sa aming mga kasambahay para palitan siya ng damit dahil may bahid na din iyon ng suka niya. kumuha ako ang 1 t-shirt ko na kasya lang sa sknya at nghiram na lang ako sa aking kapatid ng pajama.
"Sir travis ito po yung pajama ni mam tracey na nahiram ko sa knya,
"sige melay pakibihisan mo na lang siya muna siya lalabas muna ako.
"Sige po sir" lumabas muna ako saglit at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Kasalukuyang umiinom ako ng biglang pumasok si tracey.
"Kuya sinong kasama mong babae sa kwarto mo? nakangiti niyang tanong sa akin na makahulugan.
"someone I know"
"Naku kuya hindi ka basta basta magdadala ng babae dito sa bahay, siya ang unang babae na dinala mo dito sa bahay, now tell me kuya is she your girlfriend? Mahabang litanya ng kapatid ko. Alam kong kukulitin na naman ako ng kapatid ko kaya tinalikuran ko na lang siya para bumalik sa aking kwarto tapos na sigurong bihisan ni melay si saphire.
"Hoy kuya tell me who she is"
"I already told you tracey" naiiling kong sabi sa kanya habang papunta sa aking kwarto, at nakasunod naman sa kin si tracey. Nakita ko si melay na kakalabas lang ng aking kwarto.
"sir napunasan ko na po siya at binihisan"
"ok good, thanks" papasok na sana ko nang magsalita si tracey.
"Can I see her"? nakangisi niyang tanong sa'kin.
"NO!
"Kahit saglit lang kuya"
"Tomorrow okay"? makikita mo naman siya bukas,
"Don't tell me kuya dyan ka din matutulog? tanong niya sakin na may nakakalokong tingin.
"I'm checking on her, at sa guest room ako matutulog okay? Now, go to your room at matulog ka na its already late.
Pagkasabi ko non pumasok na kagad ako sa kwarto baka kung ano na naman ang itanong ng aking kapatid. Sinulyapan ko si saphire na mahimbing ng natutulog sa malaki kong kama, umupo ako sa gilid ng kama at mataman siyang pinagmasdan. Para talaga siyang isang anghel napaka amo ng mukha. Pano kaya kung ako ang unang nakipagkilala sayo at hindi ai ash? Magugustuhan mo kaya ako? May pag-asa kaya ako? sunod sunod kong tanong sa aking sarili, napabuntung hininga na lang ako sa isiping iyon. Tumayo na ako at pinatay ang ilaw ng lampshade, tatalikod na sana ako para lumabas ng kwarto ng bilang hawakan ni saphire ang kamay ko at hinila akong bigla kaya napasubsob ako sa may ibabaw niya. Gulat na gulat akong tinitigan siya na halos magkalapit na ang aming mukha dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa akin. Unti unti siyang nagmulat at nagtama ang aming mata, kahit medyo madilim sa kwarto ay kita ko ang kanyang magandang mukha, hindi ko alam kung tatayo na ba ako, ang bilis ng t***k ng aking puso. Kinakabahan ako baka bigla siyang magalit dahil sa ayos namin kaya naman nung akmang tatayo na ako, bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Walang sabi sabing hinalikan ako. Nanlaki ang aking mga mata sa gulat, hindi kaagad ako makagalaw, hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko, naguguluhan ako kung bakit niya ko hinalikan. Imbis na kumalas ako, dinamdam ko muna ang kanyang malambot na labi, unti unti kong ginalaw ang labi ko sa labi niya. Her lips taste like cherry that melt in my mouth. Hindi nagtagal ay ako na ang kumalas sa knyang mga labi, ayokong samantalahin ang kanyang pagkalasing. Nang tignan ko siya, nakapikit na ito, naisip ko na lang baka nananaginip lamang siya. Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon. Pagkuwa'y lumabas na ako sa kwarto at tinungo ang guest room.
Hindi ako nakaligtas sa mga tingin ng aking mga magulang at ng makulit kong kapatid ng makaupo na ako sa hapag kainan. Naikwento na ni tracey sa kanila ang tungkol kay saphire kaya panay ang tanong ng mga ito sa akin.
"So son, Is she the one? dad asked me while drinking his coffee.
"Dad she is someone I know okay?
"Nothing special? Si tracey naman ang nagtanong.
"Yes!
"Bakit travis hindi mo ba siya type? nakangiti namang baling sa kin ni mommy wari ko'y hindi naniniwala sa akin. Bigla namang tumawa ng malakas ang aking ama, at siya namang nagsalita
"Honey wag mo naman ipressure ang anak mo, hayaan mo magkaka girlfriend din yan db travis? napailing na lang ako sa kanila. At maya maya pa ay dumating na si saphire, hindi ako makatingin ng deretso sa kanya dahil sa nagyari kagabi at hindi din ako masyadong nakatulog dahil iniisip ko ang nangyaring yon sa amin, sana lang hindi niya maalala. Napakagat labi na lang ako sa isiping iyon. Kung ano ano naman ang tinatanong nila kay saphire habang kami'y nag-aalmusal, naiinis naman ako baka kasi kung ano na lang ang isipin niya. Naalala ko tuloy si Asher, baka kapag nalaman niya na dinala ko sa bahay si saphire baka mamis understood niya kagaya na lang nung nangyari sa amin ni clifford. Matapos namin mag-almusal hinatid ko na rin si saphire tinuro naman niya kung saan ang daan papunta sa kanila. Halos hindi. kami naguusap sa loob ng sasakyan baka kasi bigla niyang maalala ang nangyari kagabi, kinakabahan ako.
Nakarating na kami sa kanilang bahay at bumaba din ako ng aking sasakyan, at tinawag ko siya ng papasok na siya sa kanilang gate. Hindi muna ako nagsalita iniisip ko kung dapat bang itanong ko to sa kanya.
"Si ash"
"What about him"
"Nililigawan ka na ba niya"? f**k!! bakit yon ang naitanong ko?
"No! mabilis niyang sagot sa akin,
"May pag-asa ba siya kung sakali?
"None of your business travis, sige na pasok na ko. Tumalikod na din kaagad siya at pumasok na ko sa sa aking sasakyan. The f**k!! ano bang pumasok sa isip ko at naitanong ko sa kanya yon? Travis kay Ash na yon" Sabi ko sa aking sarili, napailing ako at pinatakbo ko na ang aking kotse.
Napatingin ako sa bandang kanan ng mapansin ko ang isang pamilyar na babae habang naglalakad. Binagalan ko lang ang pagpapatakbo ng kotse, at ng masilip ko kung sino yun, binaba ko kagad ang aking bintana.
"Ruby"? bungad ko kagad sa kanya na ikinagulat niya.
"oh travis ikaw pla" nakangiti niyang wika sa'kin.
"San ka pupunta? hatid na kita"
"Ay hindi na dyan lang naman sa malapit at isa pa baka makaabala ko sayo"
"No its okay hop in"
"Ah s-sige" pumasok kaagad siya sa aking sasakyan pagkasabi non.
"Where you going by the way?
"dyan lang sa unang kanto, sa may saint claire, tumango lang ako bilang tugon. Maya maya pa ay siya naman ang nagtanong. "Ano nga palang ginagawa mo sa subdivision namin? don ka din ba nakatira? wika niya habang nakatitig sa kin.
"Dun ka pala nakatira? Tanong ko sa kanya ng hindi inaalis ang tingin sa daan
hmmmn.
"May hinatid lang akong kaibigan don"
"Aaah… Sige travis dyan na lang ako sa may kanto, inihinto ko ang aking sasakyan sa tabi.
"S-salamat travis ah"
"Sure no problem! ingat ka" pagkuwa'y bumaba na din siya ng sasakyan, inantay ko muna siya makapasok sa loob ng subdivision at saka ako umalis.