DRUNK

1350 Words
SAPHIRE POV Nagising ako na sapo ko ang aking ulo dahil sa sakit at medyo nahihilo pa ako, unti unti akong tumayo sa higaan. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto, nagtaka ako nang hindi pamilyar ang kwarto kung nasan ako. Teka nasan ako? ano bang nangyari kagabi?? Bakit hindi ko maalala? tanong ko sa aking isipan. imposibleng kila marky to o kaya jennica, kasi hindi ganito ang kwarto nila, kabisado ko yon kasi ilang beses na akong nakitulog sa kanila. "nasan ba ko? sunod sunod na tanong ko sa aking isip. "panglalaki ang amoy ng kwarto, ang bango nakaka adik! OMG!! napatakip ako ng aking bibig ng marealize ko na nasa kwarto ako ng lalaki. anong ginawa ko kagabi?! my god saphire bakit hindi mo maalala?! naglasing ka kasi! tinignan ko ang ang suot, laking gulat ko na lang na iba na ang aking suot, "shocks! naisuko ko na ba ang bataan? sino sya??! my god! hindi ito maaari! ang pinaka iingatan ko naibigay ko na lang ng ganun?! sunod sunod na tanong ko sa aking sarili, maya maya pa'y biglang bumukas ang pinto at iniluwa don ang isang pamilyar na lalaki. TRAVIS?!! biglang nasambit ko at nanlaki ang aking mata sa pagkagulat. "you're awake" wika niya habang bahagyang nakasandal sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip. "what happened"? "may nangyari ba? saka anong ginagawa ko sa kwarto mo? sunod sunod kong tanong sa kanya? "What do you think? nakangising tanong niya sa'kin na siyang kinagulat ko "itong suot ko, kaw ba ang nagpalit sa'kin? "Nope! one of our maid change you, may suka na kasi yong damit mo, kesa naman matulog ka na amoy suka. "At kung tinatanong mo kung m-may n-nangyari… hindi muna siya nakapagsalita na tila ba ay naghahanap ng isasagot. "Walang nangyari okay! sumuka ka lang naman sa sasakyan ko, yon lang. saka pinalaundry ko yung damit mo, saka tuyo na rin yun ngayon, "aah okay i-i'm sorry for that! nakayuko kong sabi. "I dont know where you live, and where your friends are, lasing na lasing ka kasi ayoko namang hayaan kang mag-isa at… "At?? dugtong ko sa naputol niyang sasabihin. "at, aaahm..iwan kang mag-isa don, kaya dinala na lang kita dito sa bahay ko. "ah ganon ba? thank you and pasensya ka na, Nahihiya kong sabi sa kanya, "come on lets eat, after that ihahatid na kita sa inyo, pagkasabi niyang yun umalis na din siya, at ako naman ay inayos muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto, nakasuot ako ng t-shirt na kulay black at pajama na wari ko'y hindi sa kanya. Pagkababa ko galing kwarto may narinig akong naguusap at nagtatawanan na nanggagaling sa dining area nila, nagtungo ako dun at nakita ko ang dalawang medyo may edad ng babae at lalaki, sa pagkakaalam ko ay mga magulang ni travis at yung isa naman na katabi ni travis ay mukhang kapatid niya dahil sa pagkakahawig nito sa kanya, para syang babaeng travis maganda din ito. Nang makalapit na ako sabay sabay silang tumingin sa'kin. "o hija halika na at kumain ka na dito, masayang bati sa'kin ng mama ni travis at hinila ako paupo sa katabi niya. "totoo talaga ate napaka ganda mo talaga, pero you look familiar. bigla naman akong namula sa pagkakasabi ng nakababata niyang kapatid hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko sa kanya. "alam mo ba ate ngayon lang naguwi ng babae yang si kuya, masayang kwento niya sakin habang kumakain, sinamaan naman siya ng tingin ni travis. "hija girlfriend ka ba ni travis? tanong naman ng daddy niya na muntik ko ng ikasamid. "dad! it's not what you think okay? mabilis na paliwanag ni travis sa kanyang ama "really son? nakangiting tanong niya kay travis "m-magkaibigan lang po kami ni t-travis, sobra po k-kasi akong n-nalasing k-kagabi hindi niya po kasi alam ang b-bhay ko kaya dito niya ako dinala. P-pasensya na po. "ano ba yan bakit ba ko kinakabahan, nakakahiya! sabi ko sa aking isipan. "its okay hija, you dont have to worry, ano nga pala ang pangalan mo? Masayang tanong ng daddy niya. "saphire altamirano po" "OMG ate! you mean ikaw yon?! gulat na wika ng kapatid niya. "Ang alin? hindi ko maintindihan. "kasi ate sikat ka sa school namin alam mo ba yon? buong pagmamalaki ng kapatid ni travis. "p-pano? "kasi di ba ate nagkaron ng Miss University 4 months ago? kalaban niyo ang school namin, tapos ikaw yung nanalo, grabe ate sobrang gandang ganda sila sayo ang dami ngang gusto lumipat ng school dahil sayo ate eh. Natatawang kwento niya sa'kin. "feeling close huh?! sabat naman ni travis na sinamaan niya ng tingin ang kapatid niya. "nanliligaw na ba sayo si kuya ate? "haaa?! ah, hindi! mabiljs kong sagot sa kanya "tracey will you shut up?" you make her feel uncomfortable" iritang sabi ni travis sa kanyang kapatid. "I'm sorry for that" "No its okay" nakangiti kong sabi sa kanya "so okay na hija na manligaw sayo si travis? "p-po?? "MOM!! sabay naming wika na may halong pagkagulat, at nagkatinginan kaming dalawa "just kidding honey! sige na hija kumain ka lang ng kumain para maihatid ka na ni travis. "s-salamat po... pagkatapos naming kumain nagayos na din ako ng aking sarili at isinuot ko na din yung dress ko na suot ko kagabi, nagpaalam na din ako sa mga magulang ni travis. Tahimik lamang kami habang binabaybay namin pauwi sa'min. Walang gustong magsalita medyo naiilang kasi ako. ngayon ko lang kasi siya nakasama at sa kwarto niya pa ako natulog, napabuntong hininga na lang ako nang maisip ko yon. Mabuti na lamang at nakarating na kagad kami sa bahay namin. Bumaba na kagad ako at sumunod din siya bumaba ng kotse niya. "salamat travis ha? tumango lamang siya. At ng malapit na ko sa gate namin para pumasok bigla niya akong tinawag. "Saphire" napalingon ako ng tawagin niya ko. Ilang minuto ding katahimikan bago siya nagsalita. "si ash" "What about him? takang tanong ko sa kanya. "Is he?? courting you? "No! mabilis kong sagot sa kanya, hindi ko alam kung bakit yon kagad ang lumabas sa bibig ko. "May chance ba siya if ever? "It's none of your business travis, sige na pasok na ko, at nagmamadali na kong pumasok ng bahay namin, hindi ko na makaya ang mga titig niyang yon. At saka bakit ba mga ganon ang tinatanong niya sa'kin? ano bang problema niya?! naiiling na lang ako sa mga isiping yon. "my gosh ang kotse ko!! napasigaw na lang ako ng maalala ko na naiwan ko pa pala sa bar ang kotse ko, tinawag ko si mang benny at binigay sa kanya ang susi ng kotse para siya na lang ang kumuha sa bar. Dumeretso ako sa aking kwarto para maligo at matulog ulit feeling ko kasi hindi pa sapat ang tinulog ko. Pagkatapos kong maligo pinatuyo ko muna ang buhok ko, at maya maya humiga na ako sa aking kama at kinuha ang aking cellphone. Napabangon akong bigla sa dami ng messages nun at tawag. Pinaka marami ang kay ate ruby, 20 missed calls at nagtext din siya sa kin. Naku patay! sa isip isip ko Ate ruby: sis nasan ka na? tumawag sila marky hinahanap ka kung nakauwi ka na daw. pero hanngang nagyon wala ka pa ate ruby: sis tawagan mo naman ako nagaalala na ko sayo, ate ruby: nasan ka pupuntahan kita ngayon" marky: bakla asan ka na? kanina ka pa namin hinahanap ni jen marky: hoy bakla! sang lupalop ka ba nagpunta? may nabingwit ka sigurong fafabols no?! kaya bigla mo na lang kaming iniwan! marky: magpaliwanag ka sa min bukas ha?! kung hindi kukurutin ko yang petchay mo! Napairap na lang ako sa sinasabi ng bakla kong kaibigan, bukas na lang ako magpapaliwanag sa kanila, pero ano naman kaya ang idadahilan ko? na si travis ang kasama ko at dun ako sa kwarto niya natulog? pabagsak akong nahiga sa aking kama sa mga isiping yon. Naalala ko si ate, asan kaya si ate ruby parang hindi ko pa ata siya nakikita simula ng umuwi ako, tanong ko sa aking sarili...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD