Sinundan ni saphire si avery kung saan ito tutungo, galit siya dahil sa ginawa na naman nito sa kanyang kapatid. nang nagpunta sila avery sa CR. Hindi muna siya pumasok sa loob, pinakiramdaman muna niya ang mga ito, nang biglang magsalita si avery.
"that nerdy! ginagalit niya talaga ako! at take note girls inaakit na niya si travis ko! nakita niyo ba ung ginawa ni travis? sabi ni avery habang nakaharap sa salamin at inaayos ang sarili.
"dont worry avery kasi hindi naman magugustuhan ni travis yon! kita mo naman ang itsura non no! ang layo ng itsura mo sa itsura niya, naaawa lang si travis don, sabi naman ng. isa niyang kasama.
"of course! and I wont let her have my travis! malakas na sabi ni avery, sa inis ni saphire, pumasok na siya sa loob ng CR na siya namang paglabas ni avery at dalawang kaibigan nito na siya namang pagkakabangga nilang dalawa.
"araaay ko!!! sigaw ni avery at nilingon kung sino ang bumangga sa kanya.
"ooops sorry! kala ko kase naglinis na yung janitress dito, bat parang may basura pa ring pakalat kalat dito?! mataray namang wika ni saphire na naka cross arms pa.
"w-who? me?
"who else that I'm talking with?!
"you b***h!!! akmang sasampalin niya ito, ng magsalitang muli si saphire
"sige subukan mo! kung gusto mo pang makapasok bukas dito! lumapit pa siya ng bahagya kay avery. dahil isang tawag ko lang sa daddy ko mapapatalsik ka dito ora mismo kuha mo?! pagkasabi non iniwanan na ni saphire na nakatulala si avery at inis na inis na nagsisigaw sa loob ng CR.
"bakla san ka nanggaling? bulong ni marky kay saphire ng makabalik na siya sa kanilang silid, kasalukuyang nagsusulat sa board ang kanilang proffessor.
"Nagtapon ng basura" nakangising sagot niya kay marky.
"ha?? nagtataka namang tanong ni marky.
"bakla ayan lang yung basurahan oh! sabay nguso niya kung nasan ang trash. bin. "baka naman nakipagkita ka lang kay fafa asher ah! miss mo agad? pang aasar nito sa kanya.
"lecheee! mahina niyang sabi naman dito
natawa na lang ng mahina si marky sa reaksyon ng kaibigan.
ASHER POV
nandito kami ngayon sa aming quarters kasama sila clifford, travis, at jerome, ito ang tambayan naming tatlo, para itong opisina na kami lang tatlo ang pwedeng pumasok dito. Nakaupo kami sa mahabang mesa, kakatapos lang ng huli naming klase. "cliff pwede bang wag mo ng masyadong pinapahirapan si ruby? tanong ko kay clifford habang nilalaro laro ang hawak kong ballpen.
"Why should I? wika niya habang nglalaro sa kanyang cellphone.
"she's nice hindi niya deserve ang ganung treatment. napatingin naman si travis sa 'kin sa sinabi kong yon, at ikinahinto naman sa paglalaro ni clifford at seryosong tumingin sa kin.
"actually wala pa naman akong ginagawa masyado sa kanya na ikinahirap niya. "and besides mukha naman ngeenjoy din ang mga estudyante sa kanya.
"you dont understand cliff, pinutol na ni clifford ang anumang sasabihin ko ng biglang tumayo ito at kumuha ng juice sa ref na hindi kalayuan sa kanya.
"kumusta kayo ni saphire? tanong nito sakin pagkainom niya ng juice at umupo sa aking harapan.
"ayos naman, she's nice yun nga lang mahirap hulihin ang ugali. nangingiti kong sabi sa kanya.
"kung ako sayo wag kang pabagal bagal kasi baka mamaya may sumulot pa ng hindi mo nalalaman. sabay titig nito kay travis na. katabi ko lang. matagal silang nagkatitigan at si jerome na ang bumasag ng katahimikan.
"Ang mabuti pa mga bro mag Bar na lang tayo! para medyo malamigan kayo, Ano tara na? nauna ng lumabas si jerome, at sumunod na din kami.
Jennica tara na mag bar naman tayo para naman makapag unwind tayo at syempre makahanap ng Fafabols! malanding wika ni marky habang papalabas kame sa school.
"Tanungin mo si saphire kung sasama dahil kung hindi, di rin ako sasama.
"Bakla tara na! pleeease! pagmamakaawa ni marky
"oo na! saglit lang tayo ah! saka wala kasi sila mom and dad sa bahay sa isang araw pa daw ang uwe nila wala din kasama si ate sa bahay tanging c manang miding lang, nag off kasi yung iba naming kasamabahay. Mahabang pahayag ni saphire sa kanyang kaibigan
"yeheeey!! o ayan makakarampa tayo mamaya at dun ako maghahanap ng fafabols! masayang wika nito.
Past eight na ko nakaalis ng bahay dahil naghanap pa ko ng maisusuot ko, sa dami ng damit ko nahirapan ako pumili.. Sinuot ko na lang ung red dress ko na medyo backless at hindi naman ganun kaikli na tinernuhan ko ng. stileto na kulay itim. hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking mahabang buhok na alon alon at naglagay din ako ng headband na mukhang crown. Hindi pa ko nakakababa ng aking sasakyan natanaw ko na kagad ang dalawa kong kaibigan na. hinihintay talaga ako sa labas ng bar. Ipinark ko muna ang aking sasakyan saka lumabas at sinalubong sila.
"Kanina pa ba kayo?
"naku bakla kanina pa kaya! tumitirik na nga mata namin kahihintay sayo eh, sabay irap naman ni marky na ikinatawa ko.
"Ang sabihin mo excited ka lang makahawak ng bola ng jackstone, sabay tawa ni jennica. Sabay sabay na din. kami pumasok sa loob.
kumuha kami ng VIP dahil masyado ng puno din sa ibaba, umorder si marky ng vodka at ibat ibang klase ng pulutan.
"Grabe mga bakla ang daming fafabols! sabay tingin ni marky sa may bintana ng Kwarto na inukupa nmin sa taas kita mula sa baba ang mga tao sa dance floor, dahil malaking glass ito at tinted pero hindi kita kung sino ang tao sa loob,
"tara sayaw tayo! yaya nito saming dalawa ni jennica.
"kayo na lang muna maiwan na lng muna ako dito
"sige gurl dito ka na muna ah at pagbibigyan ko lang tong baklitang to! at sabay hila ni marky kay jennica. Nagpaiwan na muna ako dito sa aming Kwarto at magisa umiinom, maya maya pa ay medyo nakakaramdam na ko ng hilo pero hindi pa naman lasing. Bumaba muna ako saglit para magbanyo at maghilamos na din ng aking mukha dahil nakakaramdam na din aq ng paginit ng aking mukha. Tinatahak ko ang papuntang banyo ng bigla akong matapilok at muntik ng sumubsob sa sahig, buti na lang at may humawak kagad sa aking braso.
"S-salamat. nang mag-angat ako ng tingin nagulat na lang ako ng mapagsino ang taong yon.
t-travis??? nagulat din siya ng makita ako.
"you're alone?
"n-no! i-i'm with m-my friends! naku naman saphire ba't ngayon ka pa nabulol sa bagay iisipin naman niya na lasing ako, sagot ng aking isip.
"s-sige ah CR lang ako, tumango lang siya bilang pagtugon. pagkapasok ko ng banyo agad akong naghilamos para mabawasan ang init ng aking mukha.
Saktong paglabas ko nakita kong nakatayo si travis sa gilid ng banyo at nakasandal sa pader na siyang kinagulat ko.
"bakit nandito ka pa? takang tanong ko sa kanya
"to check on you if you're okay, "
"Don't worry I'm fine! pasigaw kong sabi sa. kanya para marinig niya dahil sa lakas ng music dito sa bar. At pagkasabi nun ay tinalikuran ko na rin siya.
Nakita ko naman sa di kalayuan sila marky at jennica na enjoy na enjoy sumayaw kaya nilapitan ko na rin ang mga ito, at nakisayaw na rin sa kanila.
TRAVIS POV
nandito kami ngayon sa bar kasama ang tatlo kong kaibigan, Nakatingin lang ako sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. At maya maya pa ay biglang nagpaalam na si Asher.
"Bro mauna na muna ko ah! tumawag kasi si mama eh, nagpapahatid sa airport may biglang emergency daw sa company nmin sa singapore dayoff naman nung driver namin kaya wala maghahatid kay mama. nagfist bump naman siya samen pagkatapos ay umalis na din kaagad. Tumayo ako sa aking kinauupuan at maglalakad na sana papuntang CR ng magsalita si jerome.
"Bro san ka punta?
" Cr lang ako saglit, tumango naman siya bilang tugon.
naglalakad ako galing cr ng may masilayan akong isang pamilyar na babae na nakayuko at medyo nahihirapan ng maglakad. Nang muntik na siyang mapasubsob ay agad ko hinawakan ang braso niya. Nagulat pa siya ng mapatingin siya sa akin.
"t-travis?
"you're alone?
"n-no i-i'm with my friends.
pumasok na din siya sa loob ng banyo, at nagpasya akong hintayin siya dito sa labas, Am I crazy? no! this can't be! tanong niya sa kanyang isip. At maya maya pa ay lumabas na si saphire, nagulat pa siya ng makita niyang nasa labas ako at hinihintay siya, gusto ko pa sana siyang samahan kaso hindi na rin ako nagpumilit pa. Nakaupo na ko sa may bar counter kasama si jerome at clifford, nakita kong nagsasayaw na si saphire kasama ang dalawa niyang kaibigan. "she looks so hot! and yet gorgeous! sabi ko sa aking isipan.. sobra akong humahanga sa kanya, sa katunayan niyan matagal ko na siyang napapansin sa loob ng university, pero hindi ako nagtangkang lumapit sa kanya dahil masyado din kasi itong ilag sa mga lalaki, at nababasted din kagad. pero sa kasamaang palad gusto din siya ng kaibigan ko, na bestfriend ko pa, nalungkot ako dahil naunahan niya akong makilala si saphire. Hindi ko pwedeng taluhin ang bestfriend ko. Anong gagawin ko? hindi ko mapigilan ang damdamin ko sa kanya.
Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si clifford habang pinagmamasdan ko si saphire na panay lang ang sayaw niya.
"maganda ba travis? biglang bumalik ang ulirat ko pagkasabi niyang yon sa 'kin.
"just remember this travis, ash is your bestfriend, and dont let the past repeat itself" Pagkasabing yon ni clifford ay umalis na din siya ng bar at naiwan akong naguguluhan.