KNIGHT IN SHINING ARMOR

1134 Words
TRAVIS POV Nakaupo ako sa ilalim ng puno kung saan palagi akong nakatambay dito sa likod ng aming university. Dahil mamaya pa naman ang aking susunod na klase kaya dumerecho muna ako dito pagkatapos namin kumain nila cliff at jerome. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni clifford kanina, hanggang ngayon inaakala pa rin niya na inagaw ko si ambria sa kanya, kaya ito biglang bigla na lang nagbago sa akin, sarado na talaga ang isip ni clifford hindi niya nagawang intindihin ang mga paliwanag ko sa kanya noon. Kasalukuyan niyang nililigawan noon si ambria, kaklase namin siya nong high school kame, at dahil sa may pagka torpe si clifford ay ako ang naglalakad sknya o di kaya si asher palagi niya itong binibigyan ng mga regalo, na inilalagay lang namin sa locker niya, kase nahihiya daw si clifford kung malaman na galing sa kanya baka daw bigla siya nitong layuan o di kaya ay maaga siyang mabasted. Nang ilalagay ko na sana ang pinabibigay ni clifford kay ambria bigla naman siyang dumating na ikinagulat ko hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko sa kanya, kaya sinabi ko na ang totoo na galing kay clifford ang mga natatanggap nyang mga regalo, simula nong sinabi ko yon nagkaron na ng lakas ng loob si clifford na lapitan si ambria, madalas silang lumalabas at paminsan minsan ay kasama din kami ni asher dahil nahihiya pa rin siya kay ambria lalo na kapag sila lang dalawa. Masaya kami para sa aming kaibigan dahil nakikita namin na napaka saya nito dahil kay ambria. Ngunit isang araw nalaman ito ng kanyang ama na merong nagugustuhang babae si clifford, agad niya itong pinaimbestigahan, nang malaman ng. kanyang ama ang estado ng buhay ni ambria agad niya itong pinalalayo sa kanyang anak. Si ambria ay isang simpleng babae lamang, ang mga magulang niya ay nagtatrabaho sa isang pabrika na pagmamay ari ng mga magulang ni clifford. Kaya ganon na lamang ang pagkaka ayaw niya kay ambria, ngunit hindi ito sinunod ni clifford, patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay ambria ng patago na palagi na kaming kasama ni asher. Subalit maraming alipores ang kanyang ama kaya nalalaman pa rin niya ito. Kaya binalaan niya si ambria kung hindi niya lalayuan si clifford tatanggalin niya sa. trabaho ang kanyang mga magulang at ipapatanggal sa eskwelahang pinapasukan niya, sa takot na mangyari yun, iniiwasan na nya si clifford, may mga oras pa nga na lagi na lang naglalasing si clifford at naaawa naman kami sa kalagayan nito. Kaya pinuntahan ko sa kanila si ambria para kausapin pero buo na ang loob nitong layuan si clifford at kahit anong mangyari wag na. wag ko daw sasabihin ang dahilan ni ambria kay clifford para sa ikatatahimik daw nila. Nung paguusap namin na yon, walang tigil ang kanyang pagiyak, niyakap ko na lang siya dahil alam kong sobrang sakit din para sa kanya ang mga nagyari sa kanila ni clifford, ramdam ko ang pagmamahal niya para sa aking kaibigan, at maya maya ay hinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko, at nagpapasalamat siya sa akin dahil daw sa akin ay nagkakilala sila ni clifford at saka bigla na siyang tumalikod. Yon ang tagpong nakita ni clifford. Nawala bigla ang pagbabalik tanaw ko habang ako'y nakapikit ng biglang may narinig akong pagkaluskos sa hindi kalayuan sa pwesto ko, pagmulat ko ng mata ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang malaking bato at tahimik na kumakain. pinaka titigan ko muna itong maigi, tinanggal nito ang malaki niyang salamin, at bigla kong napansin na parang may kamukha siya at yung mga mata niya parang nakita ko na,..Nang hindi pa niya napapansin ang presensya ko unti unti ko syang nilapitan habang seryoso siyang kumakain ng dala niyang cookies. Napatingala siya nung nasa harapan na niya ako, at bigla na lamang syang napatayo sa gulat. "Ah i-ikaw p-pla! nabubulol niyang sabi, "sorry akala ko kasi walang tao. wika niya habang nakayuko. "okay lang nagulat lang din ako ng may iba pa palang pumupunta dito bukod sa 'kin, madalas kasi ako lang talaga ang pumupunta dito. "ah ganun ba"? natuklasan ko lang tong lugar na to habang naglalakad ako at naghahanap ng pwesto malayo sa mga estudyante dito. "ah I see..sabi ko habang nakangiti sa kanya, "aaahmm sige mauna na ko ah may klase na din kase ako eh, tatalikod na sana siya ng bigla akong magpakilala sa. kanya, "by the way im travis, sabay lahad ng aking kamay, "i-i'm Ruby Al__ Ruby Sevilla, "cge mauna na ko sayo ah! hindi pa siya nakakalayo ng biglang humarap ulit siya sakin, "Salamat nga pla travis sa ginawa mo kahapon, pagkasabi non ay na. siyang lumakad palayo, napangiti na lang ako sa kanya. RUBY POV Masaya akong naglalakad patungo sa aking silid ng biglang tumunog ang aking cellphone kinuha ko ito at binasa si saphire ang nagtext. "ang saya naman ng maganda kong ate! hinanap ko kung nasan si saphire paglingon ko sa aking likuran nakita ko siyang nakasilip sa may pinto nila at kumaway pa sa akin ng parang may ibig sabihin. inirapan ko lamang ito, muli na sana akong maglalakad ng pagharap ko nakita ko si avery, ang mga mean girls guguluhin na naman ako. "meron na namang basurang pakalat kalat dito, akala ko ba naglinis na ung janitress? bakit ang kalat pa rin? maarteng sabi ni avery sabay tulak sa kin ng kinatumba ko, "ay sorry tao pala! sabay tawa nilang tatlo, tatayo na sana ako ng biglang may humawak sa braso ko para tulungan akong tumayo, nang magangat ako nakita ko si travis na. masama ang tingin kila avery, "t-travis, nauutal na sabi ni avery "why did you do that? malamig niyang wika kila avery ng hindi inaalis ang tingin "hindi ko naman sinasadya saka nakaharang kasi siya! magsasalita pa sana si travis ng biglang dumating si clifford at asher "what's happening here? napabaling naman ang tingin ni clifford sa kin na siyang ikinakaba ko. "it's you again nerdy" ano na naman ang katangahang ginawa mo ngaun? "it's not her fault cliff, kay travis naman siya napabaling ng tingin pagkasabi niya non. "so you're her knight in shining armor! sa twing may mangyayari sa kanya bigla kang dadating, nakangisi niyang sabi kay travis. "bro lets go malelate na tayo, pagbasag ni asher sa namumuong tensyon sa dalawa. "cge ruby may klase ka na din ata mauuna na rin kame, wika ni asher sa 'kin sabay hila niya sa dalawa niyang kaibigan. "Hindi pa tayo tapos! pagdidiing wika ni. avery sabay talikod kasunod ng dalawa nyang alipores. Nakita ko naman si saphire na nakatayo pa rin sa may pintuan ng kanilang silid, at sinusundan ng tingin ang papalayong mag mean girls, "nakita na naman ni saphire" sabi ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD