"MASAYA kami na nakabalik ka na uli sa serbisyo, Sir Gonzales," natutuwang salubong ng mga dating kasamahan ni Nicolo sa National Central Bureau. Ngayon ang first day nang pagbabalik niya sa dating trabaho. Hindi niya tinanggap ang inaalok na tulong ng kaniyang Ninong Akio para makabalik siya sa dating posisyon. Gusto niyang maging fair sa mga kasamahan niya. Kaya dumaan si Nicolo sa tamang proseso na pinagdadaanan ng sinumang INTERPOL agent na nag-resign at bumalik. Um-attend muna siya ng refresher course; kung saan ay sumailalim siya uli sa writing exam, participating events, at medical test. Mula rin sa mataas na ranggo na iniwanan niya noon ay bumalik sa pagiging ordinaryong agent si Nicolo. "Oo nga, Sir! Dalawang taon din na tumigil sa hakot-awards ang department natin dahil sa pa