DALAWANG buwan na rin simula nang makabalik sina Jeany at Nicolo mula sa pagbabakasyon nila sa Laguna. At hanggang ngayon, maliban sa mga witness, wala pang nakakaalam na legal na silang mag-asawa ni Nicolo. Tiniis muna nila na maghiwalay ng tirahan hanggang hindi pa naaayos ang lahat. Sa ngayon ay nasa proseso na si Nicolo nang pagbabalik nito sa serbisyo bilang isang INTERPOL agent. Nakabalik na ang pinsan nito mula sa honeymoon at siyang kasalukuyang namamahala sa kumpanya ng ama kaya panatag na ito na iwanan ang pansamantalang trabaho. Si Jeany naman ay naging successful ang pag-cater nila sa kasal ni Brandon Sandoval. Tila iyon ang nagsilbi niyang ticket para makapasok ang restaurant niya sa mas malalaki pang catering services. P-in-romote kasi siya ng naturang personalidad sa mga k