"SAAN ba talaga tayo pupunta, Sir Nic? Bakit kailangan mo akong bihisan nang may piring sa mga mata? Tapos ngayon naman, babiyahe tayo na may takip pa rin ang mga mata ko," reklamo ni Jeany habang lulan sila ng kotse ni Nicolo at walang kaide-ideya kung ano ba ang nangyayari sa paligid o kung saan ba talaga ang destinasyon nila. Nag-eempake na sila kanina ng mga gamit nila para sa pagbalik nila sa Maynila bukas. Pero bigla siya nitong inutusan na maligo at mag-ayos daw ng sarili. Pagkatapos ay tinakpan na ni Nicolo ang kaniyang mga mata at ito na mismo ang nagbihis sa kaniya. Nang matapos siya bihisan ay kaagad siyang isinakay sa kotse na hindi man lang nag-abala na alisin ang panyo sa mga mata niya. "Relax ka lang dahil malalaman mo rin mamaya," sagot ni Nicolo at saka pinisil ang kamay